Chapter 33 Hate that Idea

22.4K 917 196
                                    

"I won't be satisfied until I wake up next to you every morning."


Snow POV


"Okay na ba yan?" Tanong ko sa isa sa mga cameramen kung na set up na yung camerang hawak niya.

May apat na camera akong pina-set up, pwera pa yung DJI quadcopter na naka-ready na ring paliparin kung kinakailangan sa scene.

Nang ma-check na lahat, bumalik na ako sa kinauupuan kong folding chair at tiningnan yung apat na monitor dun sa screen ng di kalakihang tv. Dito kasi makikita yung registration ng mga artists sa camera mula sa mga nakukuhanang shots.

First day of shooting, kaya nandito kami ngayon sa Tagaytay, sa may sementeryo kung saan kukuhanan yung scene number twenty-six. Yung part na kumukuha si Kryss ng photos para sa trabaho niya, since she's an artist... a photographer to be exact. And out of nowhere nga, nahagip ng lenses niya si Lianne.

Isinuot ko na yung headphone na may mic para marinig ako ng mga crew pag nagbigay ako ng instructions. May kanya-kanya naman kaming ganun para magkarinigan kami during the shooting ng hindi kailangan ma-distract yung mga actors na umaarte sa harapan ng camera.

"Okay guys!" Sigaw ko. "Get ready!" I shouted while clapping my hands urging them to move faster.

Pumwesto na yung mga actors at iba pang mga extra's na binayaran namin for the shoot. Pinakiusapan din namin yung mga residente dun na wag istorbohin yung shooting ng pelikula. Pagdating kasi namin dito kaninang umaga, nalaman lang na may mga artista may mga nagsipuntahan na para makita ang mga ito.

Bago naman 'tong shooting nagkaroon naman sila ng rehearsals at yung table reading kaya ini-expect kong mabilisan na lang itong magagawa.

Alam ko namang hindi maiiwasang magkaroon ng aberya, pero hangga't maaari, sinusubukan kong iwasan talaga. Para na din mapadali yung production. Habang tumatagal kasi yung production, mas madaming nagagastos at oras na nasasayang.

"Ready!" Sigaw ko. "In one, two --- action!"

Nagsimula ng gumalaw at umarte yung mga bida. Seryoso lang naman din akong nakatutok sa screen at ini-scrutinize ang bawat kuha.

"Camera four." Sabi ko na agad naman sumunod.

Nag-appear sa screen yung mukha ni Kryss na may hawak na camera at umaarteng busy sa pagkuha ng mga litrato. Sandali pa ito kunong tiningnan ang mga kuha bago muling iniangat iyon at itinutok sa kanyang mga mata. Pero para lang mapakunot noo at mamangha.

"Camera two." Muling utos ko.

Nag-appear sa screen ang mukha ni Rain o ni Lianne na kunwaring kuha nung lenses ng camera ni Kryss.

"Focus." Dagdag ko at nagzoom-in nga yung screen. "Good." Ilang segundo ding nakatutok sa kanya yung camera. "Camera one, your shots."

Yung camera one naman, kinuhanan ang buong eksena ni Lianne kasama ang boyfriend nitong si Marko habang inihahatid sa huling hantungan ang namayapang lola nito.

Pinaglipat-lipat ko yung kuha ng camera one, two and four. Yung camera three kasi kuha niya lahat. Kung saan nakatuntong si Kryss at yung kinaroroonan nina Lianne at ng mga kasama niya sa sementeryo.

"Cut!" Sigaw ko ng mapansin yung blocking.

Tumigil ang lahat at tiningnan ako. Tumayo ako sa kinauupuan ko at lumapit dun sa eksena. Inayos ko yung payong na hawak nung isang nakikilibing kunwari dahil natatakpan yung mga main casts.

Ilang sandali din at itinuloy na yung shooting. Halos dalawang oras namin kinuhanan yung eksenang iyon. Nagbe-break din naman kasi yung mga artista at nire-retouch. Mainit din kasi yung panahon kaya pinagpapawisan na sila.

Rain & SnowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon