Chapter 21 Aftermath

22.7K 894 223
                                    

"Scrambling up the ladder of success, I had nearly forgotten about love. All that came to a searching halt when I met you."



Rain POV


Nakatulalang nakatitig ako sa kisame habang nakahiga dito sa kuwarto ni Snow. Kadarating lang namin kanina bago tanghalian galing ng Batangas.

Napansin ko kaninang bago namin lisanin ang bahay nila ay kinausap pa siya ng masinsinan ng kanyang mama. Ang mommy naman niya panay ang alala sa akin. Halata kasing umiyak ako kagabi.

Inangat ko yung daliri kong may singsing. Isa iyong heirloom ng pamilya Cervantez. Emerald green yung diamante nun.

Nagpakawala ako ng malalim na buntong hininga. Hindi ako makapaniwala, sa isang iglap lang di na ako malaya. Parang isang kurap lang kasal na ako agad.

Muli akong tumitig sa kisame. Just because of one mistake... haist. Lesson learned.

Narinig ko yung pagbukas sara nung pintuan, pati na ang malalim na buntong hininga na pinakawalan ni Snow.

"Hindi ka ba magla-lunch?" Tanong niya sa akin.

Nananatili lang ako dung nakatulala. Pakiramdam ko nakasakay ako ngayon sa roller coaster. I don't know what to feel or think.

Mabagal siyang naglakad at naupo sa gilid ng kama. Simula ng magising ako kaninang umaga, mangilan-ngilan yung pagkakataong nagsalita ako, lalo na nung nasa bahay pa nila kami sa Batangas.

"Rain..." Sadness filled her voice when she uttered my name.

"If only I could turn back time..." Mahinang bigkas ko.

"I promised you, didn't I?" Malambing na sabi niya. "Hindi kita pababayaan."

Napabangon ako sa kama at naupo dun yakap-yakap yung mga tuhod ko.

"I can't do this, Snow." I told her. "Hindi ko kaya..."

"Let's give it a try." She said back.

Nasuklay ko yung buhok ko at nanatili ako sa ganung posisyon. "I need to get away for a while." Naguguluhan talaga ako. "I need to get away from you."

Mataman niya akong tinitigan. "Is that what you want?"

Napatitig ako sa kanya pero ako din ang unang nagbawi. I don't like what I'm seeing in those eyes.

Bumaba ako ng kama at naglakad papunta sa may bintana. "Halos mag-iisang buwan pa lang simula ng makilala kita at ngayon bigla bigla kasal na agad ako sayo?" Napailing ako. "I guess, this is the craziest part of my life."

"Okay naman tayo di ba?" Tumayo siya mula sa kinauupuan.

"Snow," Nagbaling ako ng tingin sa kanya. "Nagpunta ako dito dahil kinailangan ko ang tulong mo. That's all!" Ayokong bigyan siya ng kahit katiting na pag-asa na this will work. "Ginamit kita, naiintindihan mo ba yun? Ginamit kita dahil kailangan kong isalba yung career ko!"

Napatiim bagang siya sa narinig. "So everything was just a lie." Puno ng hinanakit na sabi niya. "The kisses, the hugs, the laughters... everything's just a lie to you?"

"I'm sorry." Pilit ako nagpakatatag. "But that's the truth."

A deafening silence fell between us. I can feel the tension thickened in the air.

She gave out a deep sigh. Naglakad siya papalapit sa akin. "Tell me, you don't feel anything for me."

"Snow..." I raked my hand through my hair.

"Tell me Rain." She demanded.

"I... don't." Mahinang sabi ko.

Hinawakan niya ako sa magkabilang pisngi. "Prove me wrong."

Rain & SnowWhere stories live. Discover now