Chapter 23 Hide Away

23.8K 930 182
                                    

"Anything worth having is worth waiting for, so don't rush things."


Snow POV


Sinadya ko talagang agahan ang pagpunta dito sa studio na pansamantalang pinahiram sa akin ni tita Abby para sa gagawing table reading ngayong araw. Nakaupo ako sa ibabaw ng lamesa sa harapan lang mismo ng pahabang lamesa kung saan may kanya-kanya ng pangalan yung mga artista na gaganap sa gagawing pelikula. Panay pa ang pagda-drums ng mga daliri ko sa gilid nun. Anticipating someone to walk in from the door.

Bumukas iyon ngunit nadismaya ako ng hindi yung taong inaasahan ko yung pumasok. Si Natalie kasama ang iba pang-crew.

"Hi!" Masiglang bati nila sa akin at isa-isa silang lumapit sa akin para batiin ako.

"Aga mo naman yata?" Tanong nila sa akin.

"Uhm, gusto ko lang matingnan kung maayos na ang lahat dito bago magsimula." Sagot ko.

Actually, maayos naman na 'to kahapon pa. Pinagtulong-tulungan namin ito nina Miranda at tatlo pang crew na ayusin.

Ilang sandali pa'y isa-isa na ding nagsidatingan ang mga local artists na kasama sa perlikula. Kanya-kanya na din sila ng batian sa isa't isa. Eksaktong alas nuwebe naman ng umaga ng dumating si Isabel Lamasan, ang gaganap sa papel ni Kryss.

Isa na lang ang kulang...

Hindi na ako nakatiis, inilabas ko na yung cellphone ko sa bulsa ng suot kong jeans at idinial yung number ni Rain. Pero unattended iyon. Kontrolado ang emosyon na tumayo ako at nilapitan si Miranda. Sila ang regular na nagpapalitan ng text messages kaya sigurado akong alam niya kung papunta na si Rain. Pupunta nga ba?

"Mira." Sabay kalabit sa kanya habang binabasa niya yung manuscript at nakaupo na sa likod ng lamesa, may isang silya ang pagitan namin.

Nag-angat siya ng tingin sa akin. "O?"

"Nagtext ba sayo si Rain?" Tanong ko sa kanya.

"Kahapon lang." Sagot niya saka napatingin sa mga artistang naroon. "Wala pa siya?" It's more of a statement than a question.

Muli kong idinial yung number niya, pero unattended pa rin. Nagdesisyon na lang akong kunin yung number ni Jona kay Mira na agad naman niyang ibinigay sa akin.

Pero nakakailang subok na ako, di niya sinasagot. Isa pa 'to eh!

"Sisimulan na ba natin yung table read?" Tanong sa akin si Ivy, unit director. "Past nine na."

Napabuntong hininga ako. "Sige simulan niyo na, hahabol na lang si Rain." Walang nagawang sagot ko. "I'll try to call her." Sabi ko saka bahagyang lumayo sa kanila para subukang tawagan siya ulit o si Jona.

After kasi nung mainit na engkwentro namin nung Sabado, hindi na ulit kami nagkita. Naging busy ako kahapon sa mga dapat ayusin bago yung table reading.

Nang hindi ko pa rin sila pareho makontak, nagdesisyon na akong bumalik sa upuan ko. Nagsisimula ng mag-explain si Ivy tungkol dun sa story na pinamagatan naming Beautiful Stranger.

Ang story ay umiikot sa dalawang babaeng umibig ng tama ngunit sa di tamang panahon. Si Kryss, na gagampanan nga ni Isabel Lamasan, ay isang photographer. Hindi inaasahang mahahagip ng kamera niya si Lianne, na si Rain nga, sa isang sementeryo. Agad siyang nahulog dito sa angkin nitong kagandahan at karisma. Pero si Lianne ay engaged na sa isang anak ng alkalde sa bayan nila na si Marko Fuentes, na gagampanan ni Gino Hernan isang half australian half pinoy na aktor.

Rain & SnowWhere stories live. Discover now