Chapter 16 A Dinner Date with the Goddess

23.7K 985 205
                                    

"I'm a very strong believer that whoever is meant to be in your life will always gravitate back towards you, regardless how far they wander."


Snow POV


"Opo mommy, nasabi ko na po sa kanya."

I rolled my eyes. Ang kulit ni mommy Cassandra. Ilang beses ko ng sinabi sa kanya na nasabi ko na kay Rain na kung pwede siya isama sa Batangas next week. Tapos ngayon tinatanong niya ulit.

"Hay naku anak!" Bulalas niya. "Excited na akong makita siya!"

Napangiwi ako. Forty-three na siya tapos puma-fan girl pa! Tsk. Hindi ko tuloy alam kung matatawa ako o mapapailing na lang.

"Pati nga ang mga kasambahay natin dito, sina yaya Senya. Pati na mga kasama ko sa school, lahat sila gusto siyang makita." Excited na sabi niya.

"Mommy naman!" Naalarmang sambit ko. "Bakit naman po ninyo pinagsabi na baka sumama sa akin si Rain diyan next week?" Napa-face palm na lang ako.

"Eh anak kasi... excited si mommy kaya di ko na napigilang sabihin." Guilty na sabi niya.

Baka mamya, imbes na anniversary nila lolo't lola ang mangyare, bumagsak sa fans day ni Rain. Napailing ako.

"Hindi ko na mabawi eh." Patuloy niya.

Tiningnan ko yung niluluto ko kung luto na. Hinalo ko at tinikman. Okay naman na yung lasa. Mga two minutes pa luto na 'to.

"Ano pa nga bang magagawa ko?" Saad ko. "Isa pa, paano po kung di siya makasama sa akin? Eh di nganga silang lahat?"

"Di okay lang." Napakunot noo ako sa sinabi niya. "Kami na lang ang pupunta diyan sa condo mo. Tutal nandiyan naman siya di ba?"

"Si mommy talaga o." Nakangiti ng sabi ko. "Kailan ka pa nahilig sa mga artista?"

"Simula ng makilala ko mama mo?" May kalakip na birong sagot niya.

Dun na talaga ako natawa. "Isa pa yun!" Sabi ko. "Tinanong pa po sa akin kung fake ba yung boobs ni Rain?"

"Ano?!"

Hayan na nga ba sinasabi ko eh. Lagot ka mama. Napapangiting sabi ko sa isipan ko.

"Kailan yun?!" For sure nakapameywang na siya. "Aba't ang Spanyolang yun!"

Natawa ako sa sinabi ni mommy. "Hey, calm down mom." Pigil ang tawang bigkas ko. "Nagbibiro lang yun for sure."

"Hmp!" Masungit na sabi niya. "Makikita ng Shantana'ng yun. Pagsisipain ko pa siya eh!"

Napakamot ako sa ulo. "Puso mo." Biro ko sa kanya.

"Wala akong sakit sa puso!" Sagot niya. "At di mo agad sinabi sa akin? Mas kinakampihan mo talaga mama mo kaysa sa akin." May himig pagtatampong sabi niya.

"Hindi po kaya!" Kontra ko. "Pareho ko kayong mahal at wala akong kinakampihan sa inyong dalawa."

"Siguraduhin mo lang." Alam ko namang di siya totoong galit. "Sige na, sasapakin ko pa mama mo."

Natatawang pinatay ko na yung stove. "Wag masyado masakit mommy ha?" Biro ko.

"Nakaluto ka na ba?" Pag-iiba niya sa usapan.

"Opo."

"Dapat hinaluan mo ng pagmamahal para mas malasa." Saad niya.

"Mommy talaga!" Napangiting bigkas ko. "Sige na po, maghahanda pa kasi ako." Saka napatingin sa relo ko.

Rain & SnowWhere stories live. Discover now