Chapter 34 Real or Not?

21.5K 948 210
                                    

"I would do anything for love, I'd run right into hell and back. I would do anything for love, but I won't do that. No, I won't do that."


Rain POV


Parehong free day namin ni Snow ng araw na yun. Busy lang kami naghaharutan sa living room na parang mga bata. Yung naging usapan namin sa Tagaytay nung isang araw hindi ko na ulit binuksan pa. Masakit kasi, ayoko ng nag-aaway kami. Nakaka-stress. Mas nakaka-stress pa kaysa sa mga balitang lumalabas tungkol sa akin na napagpasyahan kong wag na lang pansinin.

Kapwa pa kami natigilan ng may nag-doorbell. Nagpresenta akong ako na lang magbubukas nung pintuan.

"Hi!" Nakangiting bungad sa akin ni Jazmine.

Medyo nagulat ako dahil di ko inaasahan na siya ang mapagbubuksan ko ng pinto ng umagang iyon.

"H-hi." Sabay alangang ngiti sa kanya. "Come in." At binigyan siya ng space para makadaan.

Binati muna niya ako ng halik sa pisngi bago tuluyang pumasok. "Snow!" Masayang bigkas niya ng makita si Snow na nakaupo sa living room.

"Jaz!" Mabilis na lumapit sa kanya si Snow at nagyakapan sila saka humalik si Snow sa pisngi ni Jazmine. "What brought you here?" Inalalayan niyang makaupo si Jaz sa may couch.

"Maghahanda lang ako ng maiinom." Excuse ko sa kanila.

Nagtungo ako sa kusina para maipaghanda ng maiinom ang bisita namin. Until now namamangha pa din ako sa kanilang angkan. Ang angkan ng mga Montalban na walang itulak kabigin sa angkin nilang ganda't karisma. Isama mo na si Flynn na siyang nag-iisang prinsipe sa buhay nila. At kahit pa ang yaman nila at ang taas ng kinabibilangan nila sa lipunan, nananatiling mapagkumbaba sila at matulungin sa iba.

Pero ang pinakagusto ko talaga sa kanila ay yung samahan nila bilang isang pamilya. May pagmamalasakit sa isa't isa at todo suporta sila. Pati nga kay Snow na sinasabi nilang ampon daw ng mga Montalban, sinusuportahan din, kagaya ng kung paanong suporta ang ibinibigay nila sa kanilang kadugo.

"Mag-merienda ka muna." Bahagyang nakangiting alok ko kay Jazmine ng mailapag ko sa harapan niya, sa may center table yung tinimpla kong orange juice at ginawang sandwich.

"Thank you, Rain." Ang lambing niya talaga magsalita.

Ang sexy niyang tingnan sa suot na hanging blouse at mini skirt na halos mahigit isang dangkal lang ang haba.

"May sasabihin daw sayo si Jaz." Baling sa akin ni Snow ng maupo ako sa tabi niya. Si Jazmine nasa single couch nakaupo.

"Ano yun?" Kunot noong tanong ko sa bisita namin.

"Magpapasama sana ako sayo." Saad niya na uminom muna ng dala kong juice bago ulit nagsalita. "Papa-spa sana ako. Syempre kasal na nina Taz at Celine sa makalawa, gusto fresh na fresh ako." Paliwanag niya. "Pwede ba akong magpasama sayo?"

"Ha?" Nabigla talaga ako.

Bukod sa hindi naman kami closed ni Remooji Jazmine Montalban-dela Rosa, hindi pa kami lubusang magkakilala. Kung tutuusin nga, ngayon ko lang siya makakasama kung sakali.

"Eh..." Napalingon ako kay Snow.

Ngumiti lang naman siya sa akin ng tipid saka hinawakan yung kamay ko at bahagyang pinisil.

"It's okay if you don't want to." Para pa itong nagtampo.

Napaisip ako. Wala namang masama kung samahan ko siya. Ngunit ang dami sana niyang pwede isama pero bakit ako?

Rain & SnowWhere stories live. Discover now