Chapter 32 Love Bug

22.6K 968 181
                                    

"Either come closer or go away. Having you in between is very exhausting."


Rain POV



"Ayos na ba ang pakiramdam mo?"

Nag-aalalang tanong ko kay Snow habang inaalalayan siyang mahiga sa kama mula sa pagsusuka niya sa loob ng banyo.

Naulanan kasi siya kahapon, galing sila sa Tagaytay para i-check yung site dun kung saan gaganapin yung first leg ng shooting na sa makalawa na. Hands-on kasi siya kung magtrabaho kahit di naman na niya talaga yun sana responsibilidad.

"Ayos lang ako dito." Saka napaubo.

Hinagod ko yung likod niya. "Yan kasi ang kulit kulit." Sermon ko sa kanya. "Sinabi ko na kasi sayo kahapon na wag ka ng pumunta dun dahil di maganda yung panahon. Pero tumuloy ka pa rin."

"Hon naman, may sakit na nga ako sinesermonan mo pa ako." Napalabi pang sabi niya. Pati pananalita niya nag-iba din dahil sa sipon.

"Baka kasi sakaling makinig ka na sa akin ngayong may sakit ka na." Kahit naiinis ako sa katigasan ng ulo niya, mas nananaig naman sa akin yung pag-aalala ko sa kanya.

"Di ba may shooting ka ngayon?" Paalala niya sa akin.

"Yun nga iniisip ko eh." Sabi ko saka inayos yung kumot niya. "Magdahilan na lang kaya ako, wala kang kasama dito sa bahay."

Wala kasi si Miranda, umuwi sa Batangas kahapon. Pero babalik din siya bukas para nga dun sa pagsisimula ng shooting.

"Ano ka ba?" Bigkas niya. "Ayos lang ako dito." Saka napabahing.

"Ayos ba yang ganyan?" Nag-aalalang bigkas ko.

Naglagay siya ng mask sa bibig para di daw ako mahawa. "Kaya ko na yung sarili ko. Mamya okay na din ako." She assured me. "Sige na, punta ka na sa trabaho."

"Sigurado ka?" Tanong ko sa kanya.

Tumango siya. "Tatawagan naman kita kung hindi pa rin bubuti yung pakiramdam ko."

"Ipinagluto kita ng chicken macaroni soup. Kumain ka ha?" Di pa rin maalis sa akin na wag mag-alala sa kanya.

Bahagyang nakangiti siyang tumango. "Kakain ako mamya. For sure masarap luto ng asawa ko."

"Hmm." I hummed. "May sakit na nga, nambobola pa."

"Totoo naman yun eh." Sagot niya. "Ang sarap nga nung niluto mong pork steak nung nakaraan."

Napakunot noo naman ako. "Anong pork steak?" Pilit ko namang inalala kung ano yung pinagsasabi niyang niluto ko daw nung nakaraan. "Adobo kaya yun!"

"Ay adobo ba yun?" Kunwari pang nakalimutan niya.

"Tingnan mo 'to!" Inirapan ko siya. "Nilait mo pa yung luto ko. Kunwari ka pang nasarapan dun."

Bahagya siyang natawa. "Ay oo nga pala!" Kunwari pang naalala na niya. "Oo, adobo nga yun!"

Tumayo na ako mula sa pagkakaupo ko sa gilid ng kama. "Ikaw talaga! May sakit ka na nga nagsisinungaling ka pa." Kunwaring tampo ko sa kanya.

Natawa siya pero inihit din ng ubo pagkatapos. "Sige na maligo ka na."

Pumasok na ako sa loob ng banyo at naligo na. Hindi na ako masyado nagtagal sa loob dahil tiyak male-late ako pag nagkataon. Pero hanggang sa nakabihis na ako, nagdadalawang isip pa rin ako kung iiwan ko ba siya mag-isa dito sa bahay. Wala naman akong ibang matawagan para sana may magbantay sa kanya.

"Ano ka ba?" Saway niya sa akin ng muli kong sinabi sa kanya na wag na akong tumuloy. "Sabi ko naman sayo, ayos lang ako dito. May sipon at ubo lang ako, di pa ako mamamatay."

Rain & SnowWaar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu