Lumapit ako sa walking closet niya at pumasok roon. Bago pa man ako makapanghalukay sa mga gamit niya doon ay napatigil na ako. Kunot ang noo at mabigat ang pakiramdam kong nilapitan ang nakatupi niyang wheelchair na halatang sinubukan niya pang itago sa sulok. What the hell.....adrian?

"What the...." Rinig kong singhap ni ark nang makita rin niya ang wheelchair na adrian. "Ilan ba ang wheelchair ng lalaking 'yon?" Malamig niyang tanong.

Hindi ako nagsalita. "Isa lang gabriel..." si sandy na ang sumagot.

Wala sa sariling lumabas na lamang ako at tahimik na umupo sa kama niya. I knew it! May tinatago siya sa 'kin!

"Patty..." Lumapit si sandy sa 'kin.

Umiling lang ako ng akmang may sasabihin siya. "Hindi na talaga siya nagbago." Mapakla akong natawa kasabay non ay ang pagtulo ng mga luha ko. "Sinasaktan niya pa rin ako..." Hikbi ko.

"Sandy...."

Basa ang pisngi ko ng mga luha nang mag-angat ako ng tingin sa kanila. Lahat sila puro awa ang pinapakita sa 'kin. Ayoko 'yon. Ayokong kaawaan nila ako.

"I-Iwan niyo muna ako." Napayuko ako. "Please....."

"But..." Po-protesta pa sana si sandy nang hilain na ito ni ark palabas.  I thank him for that. Alam ko kasing naiintindihan niyang gusto ko munang mapag-isa.

"Just call us if you need anything..." Rinig kong sabi ni ark bago pa sila tuluyang makalabas ng kwarto.

Wala na ring nagawa sila tyron at jake kundi ang sumunod sa kanila. Napasinghap ako at nanghihinang humiga sa kama ni adrian. How could you hurt me again adrian? Bakit hinayaan kong ibalik mo ulit lahat ng sakit na binigay mo sa 'kin noon? How could you be so cruel? How could you broke my heart again?

Hindi ko alam kung ilang oras ba ako umiyak sa loob ng kwarto niya, basta ang alam ko ay naramdaman ko nalang ang pag-hapdi ng aking mga mata bago ako tuluyang nilukob ng kadiliman. Nakatulog ako sa ibabaw ng kama niya. Nakatulog akong sobrang bigat ng pakiramdam at sobrang hapdi ng puso. Nakakapagod nang umiyak.

NAGISING akong bukas na ang ilaw sa banyo at maingay na ang shower. Nang silipin ko ang oras ay madaling araw na. Nakita ko rin ang relo ni adrian sa side table kung nasan ang orasan kaya alam kong andito na siya. Siya ang nasa banyo ngayon? My gosh! Sino pa ba patty? Pero anong oras kaya siya umuwi? O kauuwi niya palang?

Naputol ang pag-iisip ko nang nanuot sa ilong ko ang shower gel na ginagamit niya. Nang tingnan ko siya ay napabuntong hininga na lamang ako nang makitang bihis na siya.

Napatigil naman siya nang makitang gising na ako. Hahakbang pa nga sana siya palapit sa 'kin nang pigilan ko siya. Dahan dahan ko siyang pinasadahan ng tingin lalo na ang mga paa niya.

"Magaling ka na pala, may milagro bang nangyari sayo? Ang pagkakatanda ko kasing sinabi ng doctor sa 'kin ay wala kana daw pag-asang makalakad. How come na maayos na ang lakad mo ngayon?" Sarkastiko kong sabi.

Hindi siya nagsalita. Nag-iwas lang siya ng tingin. Ngayon hindi niya ako matingnan ng diretso sa mata pero nong magsinungaling siya sa 'kin ay talagang kumbinsidong kumbinsido ako. Damn him!

Tumiim bagang ako nang makita ko ang maleta niya sa gilid ng kama malapit sa mga paa ko. Mukhang ready na siyang takasan ang mga kagaguhan niya sa 'kin bago pa man ako magising.

"Dapat ba nagpanggap muna akong tulog para makaalis ka nang hindi ko alam?" Matalim ang mga matang pinukulan ko siya ng tingin. "Ganon nalang ba kadali sa'yo ang talikuran ako?" Nangilid ang mga luha sa mata ko. "How could you adrian? Paano mo nagagawang durugin ang puso ko nang paulit-ulit! Paano mo nagagawang harapin ako araw araw na parang wala kang tinatago sa 'kin! How can you be so heartless...." Napahagulgol ako.

"I'm sorry...." Namumula ang mga mata niyang tumingin sa 'kin. Humakbang siya palapit sa 'kin at umupo sa harap ko. "I'm sorry....I'm sorry....." Sinapo niya ang magkabilang pisngi ko atsaka pinagdikit ang mga noo naming dalawa. "I'm really sorry patricia...." Bulong niya.

Napailing ako. Tinulak ko siya palayo sa 'kin. "After everything you did, 'yan lang ang sasabihin mo sa 'kin?!" I hissed. Pinahid ko ang mga luha sa pisngi ko pero nababasa pa rin ito dahil sa mga panibagong luha. "Napaka-walanghiya mo!"

"I-I love you...." Aniya. Umawang ang labi ko nang makitang umiiyak na rin siya.

Di makapaniwalang napailing ako. "I hate you! Hindi na ako maniniwala sa'yo!" Singhal ko sa kaniya. Pinagtutulak ko siya hanggang sa makaalis na siya sa pagkaka-upo sa kama. "Umalis kana! Diba 'yan naman ang plano mo? Ang takasan lahat ng kagaguhan mo?!"

"Ginawa ko lang lahat ng 'yon para sa'yo. Oo nasaktan kita pero gusto ko lang may mapatunayan patricia. Gusto kong maging karapatdapat sa'yo." Sabi niya. Nang akmang lalapitan niya ako ulit para yakapin ay mabilis ko siyang tinulak. Ayoko na. Napapagod rin naman ako.

"Tama na adrian!" Dinuro ko siya. "Ayoko nang makinig sa mga kasinungalingan mo! I'm tired! I'm tired of being with you and I'm tired of listening to all of your lies!" Singhal ko sa kaniya.

"Patricia...."

"Umalis kana! Ayoko nang makita ka ulit adrian! Ayoko na!"

"Patty...."

Hindi ko pinansin sila sandy nang pumasok sila ng kwarto. Isinubsob ko na lamang ang mukha ko sa aking tuhod at iniyak lahat ng sakit na nararamdaman ko.

Nanginginig ang buong katawan ko nang yakapin ako ni sandy. "Shhh....Everything will be okay." Bulong niya.

Napailing ako. Parang lalo lang sumikip ang dibdib ko sa sinabi niya. I know to myself that everything will never be okay again.

"Please...make him leave." Mahina kong sabi na alam kong narinig nilang lahat.

Wala na akong narinig na kahit anong salita kay adrian hanggang sa marinig ko nalang ang tunog ng gulong ng maleta niya at unti-unti na siyang nawawala. Kung ganito lang kasakit lahat, sana ay wag ko na siyang makita.

"Iiyak mo lang lahat patty..." Bulong ni sandy habang inaalo ako. "Mawawala rin 'iyan."

Sana nga sandy.....

"Skill na ata talaga nang mga lalaki ang paiyakin ang mga mahal nila patty. Kaya nilang manakit at dumurog ng puso ng mga babae nang hindi iniisip ang pwedeng sakit na idudulot nito sa'tin." Sabi niya. "Laban lang. Hindi ang isang katulad niya ang magpapa-bagsak sa isang bitch na katulad mo." Tukso niya.

Horay!

Haha hello po 😂😂 sensiya na ngayon lang aketch nakapag-update 😯😯

Patricia Laxamana 💯Where stories live. Discover now