Chapter 22 (Joke)

61 0 0
                                    

May mga bagay na mahirap igive-up dahil masaya ka dito.

Kaso hindi lahat ng bagay ay permanente, hindi mo mapapansing unti-unti na itong nawawala.

________________

*beep*

1 message received

From: Gilbert <3

Papaya ka ba?

To: Gilbert <3

Bakit? =”>

Message sent

*beep*

1 message received

From: Gilbert <3

Kasi PAPAYAkap sana ako sa’yo. PAPAYAg ka ba? :)

Ilang araw na kaming nagkakatext ni Gilbert my loves. Oy mali kayo ng iniisip ah! Hindi PA kami noh! Saka di pa naman ako umaamin. Papakipot muna ako syempre! Haha. Saka hanggang ngayon naguguluhan pa rin ako.

Wala rin nag-oopen ng topic about dun sa ferris wheel. Basta alam namin parehas na the feeling is mutual.

*beep*

1 message received

From: Gilbert <3

Wag mo akong mamimiss ha?

To: Gilbert <3

Bakit naman?

Message sent

*beep*

1 message received

From: Gilbert <3

Kasi magbabakasyon kami sa Batangas and sad to say mahina yung signal dun sa pupuntahan namin dun kaya hindi ako masyadong makakapagtext.

Tinanong ko sya kung hanggang kelan sya dun pero hindi nya rin daw alam. TSK. Ano ba naman yun! Eh ngayong hindi kami nagkikita namimiss ko na sya eh. Kaya paano na lang pag nasa Batangas na sya? Ang layo nun dito sa Bataan.

Kanina nga pala nandito sa bahay si Glen. Bumisita lang daw sya. May dala pa nga syang chocolates eh, puro Mars yun syempre. Paborits ko kasi yun. Binigyan nya rin si mommy ng specialty nya na Fettuccine. Paborits kasi ni mommy yun.

Si Glen talaga, ang sweet. Never nakalimot. Sabihin niyo nga, sa bait ni Glen kakayanin nyo ba syang i-let go? Ang hirap diba?

(Glen’s POV)

Simula nung araw na yun hindi na yun nawala sa isip ko. Posible kasi talaga eh, lalo na nung sinabi sa akin ni Patrick yun. Hindi malabong mangyari yung iniisip ko.

Flashback (Chapter 13)

Pagkatapos naming kumaen ng dinner eh kanya-kanyang pahinga kami. Si Jed at Anna magkasama. Siguro si Pat at Jess din magkasama pero wala dito si Jorj. Nasaan kaya yun?

Umupo muna ako sa sa buhangin malapit sa dagat. Ang sarap kasi ng hangin eh, fresh na fresh.

Nagbato ako sa dagat ng nadampot kong bato. Wala lang trip ko lang. :D

“Pare..” Napalingon ako dun sa nagsalita, si Patrick pala.

“Oh bakit pare?” Tinabihan nya ako sa pag-upo. Nakatingin ako sa kanya at naghihintay ng sasabihin nya at sya naman ay nakatingin sa dagat.

“Kumusta kayo ni Jorj?” Napalingon ako bigla sa dagat. Ang hirap ng tanong eh.

*sigh*

“Hindi ko alam eh. Di ko maramdaman na may pag-asa pa ako. Oo madalas napapangiti ko sya kaso parang may ibang sinasabi ang puso nya.”

Unforgiving LOVETempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang