Chapter 9 (Epic Valentine's day)

121 2 2
                                    

"Sino ka ba kasi? Bakit ayaw mong magpakilala? Gusto kitang makilala."

Nilapitan ko sya para makita kung sino yung lalaking nakastripe na blue and white na polo shirt tas nakapants. Makikita ko na sya sana kaso bigla akong nakarinig ng ingay..

"Friend, wake up na. Ang tagal mo na ring natutulog."

"Marami pa tayong exams. Gising na. Magrereview ka pa." 

Dinilat ko yung mga mata ko. Inikot ko yung paningin ko para malaman kung nasaan ako..

Nasa kwarto ko pala ako..

"Bakit kayo nandito?"

"Ah ganon? Pagkatapos ka naming alagaan ng buong araw ganyan sasabihin mo sa amin? HMP!" -Tiffany

Tumingin ako sa bintana, ang dilim na sa labas.

"A-ano bang nangyari?"

"Hindi mo ba talaga maalala?" - Lee-an

"Itatanong nya ba yun kung naalala nya? Tss." - Mika

Tinignan ni Lee-an si Mika tas nginitian pero yung nakakainis na ngiti. Mga baliw talaga mga kaibigan ko.

"Nasa concert tayo kagabi kaya lang biglang sumama pakiramdam mo kaya umalis tayo sa crowd. Pinagpahinga ka muna namin sa bench pero bigla ka na lang tumayo. May sinabi ka pa nga eh tas naglakad ka papunta dun sa isang lalaki kaya lang bigla kang bumagsak sa daan. Tapos tinulungan tayo nung guy na nilapitan mo na dalhin ka sa clinic. And ayun, tinawagan namin parents mo to pick you up."

"Ganun ba Shane."

*beep*

1 message received

From: Anna

Bes, kumusta ka na? Okay ka na ba? Text mo ako agad pag nabasa mo 'to. Pasensya na rin kung di ako nakapunta dyan, super busy kasi ako. Get well soon, okay? Labyu!

To: Anna

Okay na ako Bes, no need to worry. :) Okay lang yun, malapit na rin ang mga exams. Goodluck. Labyu!

 Message sent

"Jorj, pumunta nga pala si Glen dito kanina kaso tulog ka pa. Iniwan nya na lang yung fruits. Look, mauubos na nga namin eh. HAHAHAHA."

"Mika naman eh! Kayo ba ang may sakit?"

"Wag mo nga kaming idamay. Si Mika lang naman yung kumaen nung mga fruits na galing kay Glen." -Shane

"HAHAHAHAHAHA"

Ilang araw na rin ang nakalipas simula nung nagkasakit ako.

Natapos na rin ang exams namin. So far wala naman akong bagsak. Ang tataas nga ng nakuha ko eh.

Pero minsan nakakainis na kapag mataas nakukuha kong grades. Kasi naman parang ang taas-taas ng tingin sa akin ng mga kaklase ko. Yung para bang aakalain nilang wala akong ginagawang kalokohan. Eh normal na tao lang din naman ako.

Kung hindi ko lang kelangan ng scholarship, sana nagpa Happy go lucky na lang ako.

Dati happy go lucky lang ako. Average lang. Pero ngayon, nagulat din ako sa sarili ko. Kaya ko rin pala yung nagagawa ng matatalino kong kaklse nung high school.

Lumipas pa ang mga araw. Three days na lang before Valentine's day. Wala pa ring nagbabago. Hindi pa rin ako kinakausap ni Gilbert. Di ko rin naman sya kinakausap. At least kung di man mangyari yung sign, sanay na ako na hanggang dito lang talaga kami. Hanggang tingin na lang din ako.

Si Glen? Ayun, lagi akong sinusundo at hinahatid sa bahay. Madalas din magdala ng chocolates and ice cream na cookies and cream yung flavor. Favorite ko yun eh. 

Unforgiving LOVEWhere stories live. Discover now