Chapter 21 (Stitch)

87 0 0
  • इन्हें समर्पित: Maybel Meme Malixi
                                    

“WAAAHH!!!! AAAAAAHHHHHHH! Kinikilig talaga ako!” =”>> Nagtatatalon ako sa kama sa sobrang saya.

“Hoy bes! Nakakahiya sa mga kapitbahay namin dito oh. Pumunta ka lang ba talaga dito para sumigaw? Dun ka na nga sa inyo! Shupi!” Sabay taboy sa akin. Ba’t ba ganto yung bestfriend ko. Hay. PMS na naman!

“Kita mo ‘to, ikaw na nga lang pinupuntahan dyan nagsusungit ka pa!” Nagpout ako.

“Ayan.” Tinuro nya yung labi ko. “Yang mga labing yan! Sige inguso mo pa! Napakamakasalanan nyan. Ang landi!” Aray ko naman!

Naalala ko tuloy yung nangyari nung gabing yun. Nung gabing hinalikan ko sya. Ang soft. Ang sarap sa feeling. “WAAAAHHH!!!!”

“Stop shouting Louisse! Nakakairita na yang kakahiyaw mo dyan ha! Ao na! Ikaw na ang kinikilig. Alam ko na yun at hindi na kelangang ulit-ulitin pa.” Tss. Sungit talaga. Ba’t ba ako nagkaron ng best friend na ganito kasungit? TSK.

“Eh sorry naman bes. Sobrang saya ko lang talaga. Sige, uuwi na lang ako. Pasensya sa abala.” Tumayo na ako mula sa pagkakaupo ko sa kama ni Anna at naglakad paalis ng kwarto nya.

Kasi naman eh! Bakit kelangan pang magsungit? Tss.

“And now magdadrama ka. Tinatry ko lang sirain ang mood mo. Hahahaha!” Di ko sya pinansin at tuluyan na akong bumaba sa hagdan. Nakakainis lang talaga! “Sige. Pag umalis ka hindi kita ililibre sa DQ mamaya.” HA??? DQ??? Nako nako Jorj. Tinatakam ka lang nyan. Sige lang. Tuloy lang sa paglakad.

“Yung favorite mo na Moolatte na french vanilla. Pwede na rin yung blizzard na oreo. Hmmm! Yummy!”

Talagang tinatakam ako ng bruha ah.

“Ano ka ba naman bes! Rumarampa lang naman ako sa hagdan nyo. Tinitignan ko lang kung bagay sa akin maging model.” Umaakyat na ulit ako sa kwarto nya at nakita ko syang tumatawa.. Hahaha! Sayang kasi yung libre eh. Paborits ko pa naman yun.

“Basta talaga libre hindi mo tatanggihan noh? Hay nako! Ang bestfriend ko talaga ao!” Nag grin lang ako sa kanya at tinabihan ko na ulit sya sa kama.

“Alam mo bes, masaya lang talaga ako. Hindi ko kasi talaga aakalain na mangyayari yun eh. Nabigla lang din ako sa ginawa ko. Pero I didn’t regret it.”

“Alam mo din bes may pagkaOA ka rin noh? Kung makapagkwento ka naman about sa kiss parang sa lips yung kiss nyo. Eh kiniss mo lang naman sya sa pisngi. PISNGI lang!”

Niyakap ko yung stufftoy na bigay ni Patrick kay Anna. “Bes naman eh! Eh kahit sa pisngi lang masaya pa rin ako. Saka namula sya after kong gawin yun. Edi malamang kinilig sya nun. Diba Ricka?” Sabay tingin ko dun sa tufftoy na bear na sakto lang yung laki para yakapin.

Ricka yung name nung bear. Ewan ko ba kay Patrick bakit iyun yung naisip na pangalan dito sa stufftoy na to.

“Bes, mahal mo ba talaga si Gilbert?” Nagulat naman ako sa tanong ni Anna.

“B-bakit mo naman natanong yan?”

“Ha? Wala lang. Kasi kung mahal mo talaga si Gilbert, oras na para mambusted.”

Parang biglang may tumusok sa puso ko. Mambusted? Kelangan ko na nga ba talagang gawin yun?

“Eh bes, di pa naman nanliligaw si Gilbert sa akin eh. Okay pa naman siguro na di ko muna busted-in si Glen.”

“Ay ang shunga ng bestfriend ko.” Bigla nyang inagaw sa akin si Ricka at sya naman yung yumakap dito. “Kung ayaw mong magkasakitan kayo, bumitaw ka sa isa. Mahirap na baka mapaiyak mo pa yung dalawang gwapo na yun.”

Unforgiving LOVEजहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें