Chapter 19 (Come with me)

73 1 0
                                    

(Jorj's POV)

"TAYA!"

Hanggang ngayon hindi pa rin ako makapaniwala sa narinig ko mula kay Gilbert.

"Time first! Pagod na ako eh. Pahinga muna tayo." Umupo muna ako sa bench na malapit sa kinakatayuan ko ngayon. Pati na rin yung mga batang kalaro namin eh nagpahinga sa damuhan. Excuse ko lang 'to para hindi nila mahalatang loading pa rin ako sa nangyari.

*sigh*

"Okay ka lang ba Jorj?"

"Okay lang ako Glen."

"Mukhang malakas yung pagkakabagsak nyo kanina ni Gilbert ah." Nasaan na nga ba si Gilbert? Nagpalingon lingon ako kasi hindi sya mahagilap ng mata ko. Ano yun? Pagkasabi nya nun umalis na agad sya? Tss.

"Huy Jorj! Okay ka lang ba talaga? Gusto mo bang iuwi na kita?" 

Napatingin naman ako kay Glen. "Okay lang talaga ako, no need to worry." Nginitian ko sya at pinakita na naman nya ang killer smile nya.

Gosh! Naguguluhan ako. T.T

Hindi ko ba alam kung anong mangyayari pagkatapos nito, pagkatapos ng pag-amin nya. Siguro kayo din naman alam nyong umamin sya sa akin diba? Naguguluhan ako! Paano kung ligawan nya ako? Eh parehas kami ng nararamdaman ni Gilbert. Paano na si Glen? Ayokong mawala sya sa akin. Ayoko talaga. Waaaah!!! Naguguluhan ak--

"AYANAKNGBABOY!" Napatingin ako sa kumalabit sa akin.

"Papatayin mo ba ako sa gulat?!"

"Sunget mo naman! Eto ice cream mo!" Tss. Kaya pala nawala ang loko kasi bumili ng ice cream. Tinitigan ko lang yung kamay nyang inaabot sa akin yung ice cream. "Kung ayaw mo ipapamigay ko na lang sa ibang bata pa dito." Tinitigan ko lang sya. Ewan ko ba, wala pa rin kasi ako sa sarili ko. Nababaliw na ata ako. Para bang natrauma ako pero yung trauma na masaya. Hay ewan ko ba!

"Ayaw mo talaga? Sige.. Uy bata! Sayo n--"

"Sinong may sabing ayaw ko nito?" Inagaw ko sa kanya yung ice cream at humarap ako kay Glen na katabi kong nakaupo sa bench habang dinidilaan ko yung dirty ice cream na hawak ko. "Glen, gust--" Ay! Meron din sya! Nginitian nya lang ako, busy sya kakakaen sa ice cream nya. HMP! Tumingin na lang ako sa mga batang nakalaro namin kanina. Mukhang pagod na pagod sila, ang sarap pa nga ng pagkakakaen nila sa.. WAIT! May ice cream din sila??? I looked at Gilbert again, kinakagat nya na yung apa ng ice cream nya. Tss.

"Anong meron bakit lahat ata ng tao dito sa park eh may ice cream?"

"Sabi nga diba share your blessings? Ibinabahagi ko lang sa kanila yung kasiyahan ko by giving them my favorite food." Dami laang alam.

"Ay Jorj, uwi na ako ha? Nagtext na si Mama eh."

"Naku Glen eh nasa bahay pa yung kotse mo. Samahan ka na namin hanggang dun."

"Wag na Jorj,kaya ko naman mag-isa. Saka ienjoy mo lang yung araw mo dito." Nginitian nya ako.

"Okay. If that's what you want. Ingat ka ah? Salamat sa time." 

 Pagkaalis ni Glen biglang tumahimik yung mundo ko. Wala kasing nagsasalita sa amin ni Gilbert. Nagkakahiyaan siguro kami dahil sa nangyari..

"G-gilbert.. Y-yung kanina.."

"Totoo yung sinabi ko, Jorj." Napayuko sya. "Hindi ko alam kung kelan at paano nagsimula. Basta isang araw nagising na lang ako na ikaw ang hinahanap-hanap ko.." at tumingin sya sa akin ng nakangiti.

Napatingin ako sa langit. Iniisip ko ngayon kung grab the chance na ba o hahayaan ko na lang. Ayokong magpaka easy to get. Oo matagal ko na syang gusto, pero hindi ko maimagine kapag naging kami na. Mahal ko sya at hindi ko sya kayang mawala.

"Sison.." Nakatingin pa rin ako sa langit. Napakaganda kasi ng mga ulap at napakaganda ng moment na to.

"Hm?"

"Naaalala mo pa yung sa ferris wheel?" 

"Alin dun?"

"Wala. Nevermind."

"Ferris wheel." Tumawa sya ng medyo pilit. "Hindi ko inasahan na si Cheska ang makakasama ko dun." He paused for a while. " Alam mo ba, gusto kong ikaw ang makasama dun." He continued.

*sigh*

"Gusto ko kasing ikaw ang makasama sa pagharap sa mga bagay na kinakatakutan kong gawin." I feel safe whenever his beside me but I don't know why or how.

Nakatingin pa rin ako sa mga ulap. Gusto kong maggabi na para makita ko na ulit yung buwan. Alam kong nakatingin sya sa akin ngayon. Alam ko yun because of my peripheral vision. 

Ang tagal ding walang nagsasalita sa aming dalawa. Hindi na awkward yung feeling. Kahit nga ilang oras pa kaming ganito katahimik okay lang basta't kasama ko sya. Yan na yung nararamdaman ko ngayon. Unlike before na tumahimik lang sandali eh bored na bored na ako. 

Si Gilbert, sya ang nagpapasaya sa akin sa school bukod sa mga friends ko. Oo, may pagkatahimik sya at pagkasuplado. Pero pag sinimulan na ng barkada nya ang kalokohan, sya pa ang pinakanakakatawa. Minsan nga nag graded recitation kami sa Constitution, biglaan lang yun. Iyun yung time na badtrip na badtrip ako dahil sa thesis. Then tinawag sya ng prof namin...

Flashback

"Sison!" Tinawag sya ng prof namin at tumayo sya habang naghihintay ng tanong. Mukhang kinakabahan nga sya eh kasi hindi sya mapakali. 

"How many representatives do the house have?" Medyo nagbubulungan na yung klase kasi madali lang yung sagot dun. Naghihintay ang lahat sa sagot nya

but he laughed and said..

"HAHAHAHA! Ma'am, I don't know the answer." At ayun, first time kong tumawa sa araw na yun.

End of flashback

Mababaw lang naman ang kaligayahan ko. Makita ko lang syang ngumiti nun lalo na yung dimples nya eh buo na yung araw ko. Hindi ko rin namang aakalain na magiging close kami at hahantong pa sa ganitong sitwasyon. Wala rin naman akong masyadong alam sa kanya. Ang alam ko lang 17 years old na sya kagaya ko at may tatlo syang kapatid, isang lalaki at dalawang babae. I never met them. Syempre, ang kapal naman ng mukha ko kung pupuntahan ko sya sa bahay nila. Ano ako, manliligaw? Tss. Ang alam ko rin laging wala yung parents nila sa bahay because of business. Mayaman sila, samantalang ako, sakto lang. Nalaman ko yun dahil nga nagkekwentuhan kami kapag magkasama. Di na rin naman masyadong napag-usapan yun kasi madalas na kalokohan yung pinagkekwentuhan namin. Suplado sya madalas pero mabaet sya. Lagi nya lang akong pinagtitripan at binabara. 

Pero yung pakikitungo nya sa akin ngayon, iba eh...

"Santos, come with me." Tinignan ko sya at hinawakan nya ang kamay ko. Hinatak nya na naman ako at di ko alam kung san kami pupunta. Alam ko namang wala syang gagawing masama sa akin kaya nagpahatak na lang ako sa kanya.

Unforgiving LOVEWhere stories live. Discover now