Chapter 33 (Happiness)

39 0 0
                                    

Ilang araw na ang lumipas pero ramdam na ramdam ko pa rin ang sakit. Ilang araw na rin akong hindi nakapasok dahil nagkaroon ako ng trangkaso. Pero binibisita naman ako nina Tiffany para bigyan din ako ng copy ng notes. Pati Si Anna at Patrick bumisita dito. At mukhang may hindi ako alam sa dalawang yun, parang nagkakailangan eh. Siyempre pati yung boyfriend ko binibisita ako at lagi pang may dalang mga paborito kong pagkaen.

Oo, BOYFRIEND. May boyfriend na ulit ako sa wakas. Kami na ni Glen at pinag-aaralan kong mahalin sya. Mahirap pero alam kong kaya naman.

Ginusto rin naman ni Glen eh. Hindi ko sinabi sa kanya yung tungkol sa amin ni Gilbert pero ang sabi nya sa akin gusto nya raw subukang maalis ang nararamdaman kong sakit. Kahit daw gamitin ko sya maging masaya lang ulit ako.

Kakaiba si Glen, damang dama ko yung pagmamahal nya para sa akin. Pati ang paggamit sa kanya nagawa nyang isuggest maging masaya lang ulit ako.

Kaso nga lang, hindi pa ganun kadali.

Kinuha ko yung gitara ko at nagsimulang kumanta.

*Goodbye by seconhand serenade*

“Ang ganda talaga ng boses mo.” Napatingin ako sa labas ng bintana ko at nakita kong may tumakbong lalaki.

Baka sya na yung may ari kay stitch?

Kinuha ko yung left earphone na may design na stitch na napulot ko dati nung katulad ng nangyari ngayon.

Kumaripas ako ng takbo para mahabol yung lalaking nakita ko kanina pero kumuha muna ako ng maraming tsinelas sa shoe rack.

Paglabas ko ng bahay, natanaw ko yung lalaking tumatakbo pero malayo-layo na sya. Binilisan ko pa yung takbo ko para maaubatan sya. Nang medyo nahabol ko na sya, binato ko isa-isa sa kanya yung tsinelas na hawak ko.

“Aray! Tama na Jing! Oy Jing ano ba? Tama na!” Napahinto ako sa narinig ko.

“Ano kamo? Jing?” Napaharap sa akin yung lalaki.

“PAUL?! Bakit ano- Bakit- Ano—Ano ba! Naguguluhan ako! Anong ginagawa mo sa tapat ng bintana ko at bakit mo ako tinawag na Jing?”

Natawa naman sya sa akin. “Ay nako Jing. Tara na nga muna sa bench dun.”

Di ko napansin, umabot na pala kami sa park dahil sa paghahabulan namin.

Naupo naman kami sa bench at ako’y gulung-gulo pa rin.

“T-teka Paul! Hindi ko maintindihan!”

“Jing naman! Ang bilis mo talaga makalimot. Di mo na ba talaga ako natatandaan?”

“Ha? Natatandaan. Ikaw yung ilang beses nagligtas sa akin saka nagkalaban tayo sa Math contest.” Tumawa ulit sya.

“Jing naman eh! Nagpapatawa ka ba? Hindi ka pa rin nagbabago, madaya ka pa rin.”

“Ha? Ano? Madaya? A-ano ba! Naguguluhan na talaga ako!” hinampas ko sya sa braso.

“Wag ka namang manghampas Jing-jing! Pagnakikipaghabulan ka, nambabato ka pa rin ng tsinelas. Naku, ikaw talaga!”

Teka, ba’t alam nya yun? Teka teka!

Tinitigan ko syang mabuti.. Parang may kahawig sya eh..

Isip.. 

Isip..

SHET!

“P-poy?! Ikaw ba yan?” Sya nga ba si Poy? Yung kababata ko?

“Sa wakas nakilala mo rin ako! Ang tagal na nating nagkikita sa school pero di mo man lang ako nakilala. Lumipat lang kami ng bahay nakalimutan mo na ako.”

Unforgiving LOVEWhere stories live. Discover now