Chapter 27 (My Double Dead Heart)

56 0 0
                                    

All those times that you were happy is not the measurement for how long you might stay together.

_______

(Glen’s POV)

Ano bang problema nya at nakuha nyang maglasing? Mabuti nga at nagtext pa sya, naku Jorj! Sobrang pinag-aalala mo ako.

Nandito ako sa bahay ni Jorj ngayon kasama yung iba pa nyang kaibigan. Nahihibang na ata ‘tong mga ‘to at naisipang maglasing. Mabuti na lang may natira pang dalawang matino sa kanila kundi mahihirapan ako sa pag-uwi sa kanila dito at buti na nga lang eh dinala ko yung kotse ko.

“Tol, salamat sa pagtulong sa pagbubuhat sa mga to.” Sabay tapik ni Mhar sa balikat ko.

“Nako, mabuti nga at natira pa kayo ni Louis na hindi bangag kundi baka napano na sila lalo na si Jorj.”

“Alam mo pre, parang may problema si Jorj. Sa tagal naming naging magkaklase at magkaibigan ni Jorj eh ngayon lang yan nagkaganyan. Di naman mahilig uminom yan eh. Puro pagkaen lang ang nasa isip nyan dati.”

Problema? Ano naman kaya yun?

“Oo nga. Napansin ko nga rin yun kanina. Kung anu-ano kasing pinagsasasabi nya. Sa lovelife ata eh. May problema ba kayo?” Sabi naman ni Mhar.

“Problema? Kami? Eh hindi pa nga ako sinasagot ni Jorj eh.”

“Eh ano yung pinagsasasabi nya kanina?” Pagtataka ni Mhar.

Problema sa lovelife? May mahal bang iba si Jorj?

Minsan iniisip kong sukuan na si Jorj pero hindi ko kaya. Mahal ko sya at alam nyo yun. Kung may mahal na syang iba eh bakit hindi nya ako busted-in? Sabagay, kung busted-in man nya ako eh patuloy ko pa rin syang mamahalin. Unless kung sabihin nya sa aking itigil ko na at may taong nagpapaligaya na sa kanya. Gagawin ko ang lahat para sa kanya maging masaya lang sya kahit kapalit pa nito ang sarili kong kaligayahan.

“Hay nako pre, mabuti na lang sigurong magpahinga na tayo. Madaling araw na rin at ako’y nahihilo na.”

“Ikaw ba tol, di ka pa matutulog?”

“Ah sige, susunod na din ako. Matulog na kayo.”

Pumasok na si Mhar sa kwarto. Nandun yung ibang friend ni Jorj. Si Louis naman eh sa sofa na lang natulog, nasisikipan siguro dun sa pwesto nila sa kwarto. Pinaghiwalay naman namin yung girls at boys. Mahirap na.

Pumunta muna ako sa kusina para kumuha ng basin at nilagyan ko to ng tubig. Then pumasok ako sa kwarto ni Jorj at kumuha ng towel sa closet nya. Si Jorj at si Lady ang nasa kama, si Rie at Rosselle naman eh nasa lapag. Pinaglatag naman namin sila sa lapag kaya hindi sila malalamigan sa sahig. Ngayon ko nga lang din nakilala tong high school friends ni Jorj.

Lumapit ako sa kama at inilapag yung basin na may tubig sa table na katabi nito. Pinalipitan ko yung towel at umupo ako sa natitirang space sa kama kung saang side nakahiga si Jorj. Sinimulan ko nang punasan ang braso nya ng basang towel.

“Hay nako Jorj, kung anuman ang problema mo, pwede mo namang sabihin sa akin eh. Pero kung about sa lovelife..” Napaisip ako sa sinabi ko.. “Wag na lang pala. Hindi ko pa kayang marinig ang kwento mo.”

Masama ba ako? Hindi ko pa lang kasi talaga kayang malaman kung sinuman ang mahal nya. Hindi ko alam kung ako yun, wala naman kasi siyang napaparamdam. Pero sa tuwing kasama ko siya, alam kong nagiging masaya sya.

Sunod kong pinunasan ay yung binti ni Jorj. Oops! Binti ah, hindi hita. Walang malisya noh! Hindi ako katulad ng iniisip nyo na magtetake advantage sa kanya. Kahit lalaki ako at natural lang sa aming maakit eh kaya kong magpigil.

Unforgiving LOVEWhere stories live. Discover now