Chapter 18 (Taya!)

76 0 0
  • Dedicated kay Jane Cacho Ü
                                    

Alas otso na ng gabi ako nakauwi. Pagdating na pagdating ko nga sa bahay eh diretso ako agad sa kwarto at sa favorite place ko.

Naiinis ako kay Cheska! Kahit mainit yung dugo ko sa kanya eh wala akong ginagawang masama sa kanya. Ni hindi ko naman alam na ganun na pala yung tingin nya sa akin, mang-aagaw. Aba, kasalanan ko bang maging mahaba ang buhok ko at ako yung pinili ng mga taong gusto nyang makasama. Kung inaayos nya lang sana yung ugali nya edi sana hindi sya nagkakaganyan ngayon.

*sigh*

Akala ko magiging maganda para sa akin ang araw na to. Well at first masaya, kasi kaming dalawa lang ni Gilbert yung magkasama. And akala ko eh kaming dalawa lang, yun pala yung babaeng yun pa yung nag-aya. Naiinis din ako kay Gilbert. Bakit ba kasi sinamasama nya pa ako sa date nila. Saka ano ba yung sinasabi ni Cheska na pati si Gilbert inaagaw ko sa kanya. At ako pa raw yung gusto ni Gilbert. Aba, ano bang kinamalayan ko dun. Wala namang sinasabi si Gilbert sa akin saka asa namang mangyari yun. Tss.

At ang pinakakinakainis ko eh hindi man lang ako pinagtanggol ni Gilbert.

Nakakapikon! Makatulog na nga lang.

(Gilbert’s POV)

“J-jorj, sorry sa nangyari kahapon, hindi ko naman alam na ganun yung mangyayari. Saka totoo yung narinig mo, *sigh* ikaw ang gusto ko..... AISHT! Ano ba! Napakabading namang pakinggan!”

Ang hirap laang mag-isip ng mga sasabihin kay Jorj.

“Isa pa nga! *Ahem Ahem* Jorj, tama yung narinig mo. Ikaw ang gusto ko at hindi si Cheska. Hindi nga ata basta gusto lang eh, mahal na ata k-- AISHT!!!! Ang korni talaga! HAY!”

Kanina pa ako nagpapraktis ng sasabihin sa kanya. Kainis si Cheska! Tama ba namang unahan ako. Tss. Bahala na nga lang mamaya. Sana mapatawad nya ako kahit hindi ko alam kung masama yung loob nya sa akin. Sana din hindi masayang tong binili ko para sa kanya. Kung sakali man, handa na talaga akong magtapat sa kanya. First time ko tong gagawin sa isang babae. Ang madalas kasi ako yung nilalapitan. My gad naman kasing pag-ibig to. Ginagawa akong corny.

Nag-ayos na ako ng sarili kasi pupunta ako kina Jorj. *sigh* Kaya ko to! 

Nagpahatid na lang ako kay Manong Lito para tipid sa pamasahe. Medyo namulubi kasi ako sa binili kong to para kay Jorj. Nasa labas na ako ng bahay nila Jorj. Kinakabahan ako. Pinunasan ko muna yung pawis sa mukha ko, baka kasi makabawas point pa sa kanya kung makikita nya akong haggard. Di pwede yun, sayang kagwapuhan ko.

"Tao po!" Lumingon lingon ako sa paligid, may kotse namang nakaparada sa labas ng bahay nila. Siguro naman andyan sya. "Jorj?"

 "Yuhooo!!! Tao po!" Ang tagal naman nila akong pagbuksan. Naglean muna ako sa wall katabi nung gate.

*ding dong*

Napaalis tuloy ako sa kinakasandalan ko. Aisht!  Meron naman palang door bell. Ang bulag mo naman Gil. -__-

"Sino yan?" Boses ni Jorj yun.

*lub dub lub dub*

Kinabahan naman ako bigla baka di kasi ako papasukin ng babaeng to sa kanila. "A-ah J-jorj, si Gilbert to."

Biglang bumukas yung pintuan na screen then lumabas ang isang magandang babae. Ang simpleng Jorj na nakilala ko.

"G-gilbert? Anong ginagawa mo dito?"  Halatang gulat sya na nakita nya ako dito. Dapat bang hindi na lang ako pumunta? 

Tinago ko muna sa likod ko yung ibibigay ko sa kanya. Parang peace offering ba na at the same time eh unang hakbang ng courting. Haay. Corny. Si Ken ang nagturo sa akin nito eh. Nagpunta kasi sila sa bahay kagabi, ala. Nanggugulo lang. Napansin lang nila na badtrip ako kaya nakwento ko yung nangyari at nagbigay ng payo si Ken. 

Unforgiving LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon