Chapter 28 (Steve Saminal)

32 0 0
                                    

(Jorj’s POV)

Waaaaaah! Salamat at pasukan na! Grabe. Ilang months akong naburo sa bahay. Buti na nga lang pinupuntahan ako ni Glen paminsan-minsan eh.

Speaking of Glen. Lately, lalo syang nagiging sweet. Ewan ko ba dun. Sabay pa nga kaming pumasok eh. Siguro gusto nya ng mapasagot ako.  Kaso...

Okay. Ako na masama. Pinapaasa ko sya kahit na may iba naman akong gusto.

Hay Jorj. Napakasama mong nilalang.

At dahil nga wala na akong magawa sa buhay eh nag new look ako. Nagcontacts na ako at di na nakasalamin so wala na yung Miss genius look. Tas nagpaikli ako ng bongga ng buhok.

“Jooooooooorj! Kumusta ka na? Ang ganda ganda mo na! I really miss you!” Sabay yakap ng mahigpit sa akin ni Tiffany. Namiss ko tong isang to. Wala kasing madaldal sa bakasyon ko.

“Eto okay pa rin naman. Namiss din kita ng sobra!” I hugged her back.

“Eh ba’t kayo lang yung may hug hug dyan?” – Mika

“So snob na kami, ganun?” – Lee-an

“Jorjieeee!” Niyakap naman ako ni Shane.

“Shane ano ba! Nagtatampo tampo effect pa kami dito eh. Panira ka talaga!” Niyakap naman ako ni Mika pati na rin ni Lee-an.

“Ano naman pumasok sa isip mo at nagpagupit ka ng ganyan kaikli? Mabuti na lang at bagay sayo. And lalo kang gumanda friend!” Puri naman sa akin ni Shane.

Nako, mga to talaga abnormal pa rin. Kaya sobra ko silang namiss eh!

Nagkwentuhan lang naman kami about sa bakasyon namin. Mabuti pa nga sila at may mga pinuntahan. Samantalang ako nakakulong sa bahay. Napagalitan kasi ako ni Mommy nung nalaman nyang nag-inuman kami.

At dahil kwentuhan na rin naman ang nagaganap, syempre inungkat nila yung about sa amin ni Gilbert.

“So kumusta na nga kayo ni Gilbert?” – Mika

Kung alam nyo lang kung anong klaseng pagkabigo yung naramdaman ko.

“Kayo na ba?” – Lee-an

Kainis yung mga tanong. Nang-iinsulto ba.

“Waaaah! Me is kinikilig!” – Tiffany

Ano namang nakakakilig dun? Tss.

“Ha? Ah.. eh... Wala eh.” Simpleng sagot. Simpleng sakit.

“Anong wala?” - Shane

“Pagkatapos umamin di na nagparamdam.”

Pumunta na kami sa room kasi malapit ng magtime. At dahil first day ng pagiging 2nd year college namin eh hindi kami nag-uniform.

Pagkapasok na pagkapasok namin ng room, lahat sila nakatingin sa amin. Kasi ba naman kami lang yung di naka uniform.

Okay? Awkward. Mga bagong mukha yung mga nakikita ko except dun sa nakikita kong nakaupo sa kaharap-harapan at ang sama ng tingin sa akin.

“So kaklase pala natin yang intrimitidang babaeng yan.” Bulong sa akin ni Tiffany.

Si Cheska.

Nakwento ko nga rin pala sa kanila yung nangyari sa aming dalawa nung nagkasagutan kami nung kasama si Gilbert. Naaalala nyo pa yun? Kung hindi na eh nevermind na lang. Baka mainis lang kayo.

Naupo na kami sa bandang gitna kasi dun na lang may bakanteng upuan.

Di din naman nagtagal eh dumating na yung prof at nagcheck ng attendance. Oo nga pala Basic statistics yung first subject ko. At 7:30 pa talaga natapat. Ay nako! Ke aga-aga magsosolve agad. Malas!

Unforgiving LOVEजहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें