Chapter 12 (Undefined feelings)

91 0 0
  • Didedikasikan kepada Teresa Peralta Bohol
                                    

"Jorj, bakit ang sama ng tingin ni Gilbert kay Paul?" Bulong sa akin ni Tiffany.

"Hindi ko nga rin alam eh." Kelangan kong malaman kung bakit, kaya lumapit ako kay Gilbert at saka nilagay ko yung braso ko sa braso nya. Yung parang sya yung escort ko. Walang malisya yung ginawa ko ha, baka isipin nyo chancing. Medyo lang kaya. Hohoho. :)))

Then I talked to him, "Are you okay Sison?" Tinalikod ko na sya mula sa direksyon ni Paul.

"Ha? Ah..eh, Ah oo! Okay lang ako." Napakamot pa sya ng ulo. Napapano kaya 'to? Magkaaway ba sila ni Paul? Hindi naman siguro.

"Eh kung ganun, tara ng kumaen." Tumingin ako sa apat ko pang kasama, "Tara na girls. Saan nyo ba gusto kumaen?"

"Dun sa Mcdo na lang." - Mika

"Ang cheap! Minsan na nga lang manlibre si Jorj tas sa Mcdo ka lang mag-aaya?" - Lee-an

"Sa Jollibee na lang Jorj. Okay na ako dun." - Shane

"Kayong tatlo, tumigil nga kayo dyan. Tss. Jorj, ako kahit saan okay na ako. Kahit sa Burger King na lang ako." - Tiffany

Hindi naman demanding masyado si Tiffany nyan? Haha.

Napansin kong tumatawa si Gilbert. "Okay ka lang ba talaga Sison?"

"Hahahaha! Nakakatuwa kasi yung apat, napaghahalata yung katakawan. HAHAHAHA!"

"SHUT UP!" Sabay-sabay pa talaga nilang sinabi yun. Pero patuloy pa rin yung pagtawa ni Gilbert. Hay nako, ikaw ba naman ang magkaroon ng ganyan kabaliw na mga kaibigan, sinong di maloloka?

"Tama na nga yan! Kumaen na lang tayo." Nagsimula na kaming maglakad. Tumingin ulit ako kay Paul para magpaalam sana, inalis ko na yung braso ko sa braso ni Gilbert baka kasi manukso pa mga friends ko, mahirap na baka mabuko pa. "Guys, wait lang ha, mauna na kayong maglakad." Tinanguan naman nila akong lahat. Lumapit muna ako kay Paul para magpaalam.

"Paul, mauna na kami ha. Nagugutom na kasi yung mga alaga sa tyan nung mga kaibigan ko."

"Oh, sige. Ingat kayo. :)" Naks! Ang gwapo din pala nitong si Paul. Ayan na naman, naglalandi na naman ako. Hahahaha! Nginitian ko lang din sya and I turned away.

Paalis na sana ako kaso may naalala ako. 

Tumingin ulit ako kay Paul, "Paul, magkakilala ba kayo ni Gilbert?"

"Kami? Oo, diba kakapakilala mo lang sa akin? Bakit?"

"Ah, ganun ba. Wala lang, sige mauna na talaga ako. Bye!" Bago pa man ako tuluyang umalis, "Oo nga pala Paul, di ko pa nakakalimutan na manlilibre ka ha? Hahaha! Sige, bye!" Nakangiti lang naman sya. 

Tumakbo na ako para sundan yung lima. Nasaan na kaya yun?

So ibigsabihin hindi pala talaga magkakilala yung dalawa, pero bakit ang sama ng tingin ni Gilbert kay Paul? Hay nako! Bakit ko ba kasi pinoproblema yun? Yaan ko na nga lang.

Nakita ko yung lima sa may gate, naghihintay. "Ano? Tara na?"

Nagpunta na kami sa SM, kasi dun lang merong Burger King. Super order naman 'tong mga 'to. Bahala sila kapag di nagkasya yung pera ko. Super nagkwentuhan lang din kami. May pagkaadik talaga yung apat, tsismisin daw ba si Gilbert?

Si Mika ang nagsimula. Echusera talaga. "Gilbert may nililigawan ka ba ngayon?"  Napatingin sa akin si Gilbert, ano namang pahiwatig yun? Ayoko ng ganung tingin eh. Kaasar.

"Ah, meron." Aww. Sabi na nga ba eh. Nakakainis! Ilang beses pa kaya ako magiging broken sa istoryang to?. Bawiin ko kaya yung kinakaen nya? Tss.

"Ah, ganon ba? Sino naman?" - Tiffany

Unforgiving LOVETempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang