Chapter 5 (Inside my <3)

124 1 0
                                    

(Glen’s POV)

HALA! Ano naman kayang nakaen ko at biglang lumabas sa bibig ko ang tanong na ‘yon? Tss.

Matagal ko ng gusto ‘tong si Jorj. High school pa lang kami, crush ko na sya. Hindi naman kami magkaklase, hindi rin kami schoolmate. Nakilala ko sya bilang choir sa simbahan noong grade 6 pa ako, ako naman eh altar server noon. Pero hindi ko na sya nakikitang kumakanta sa simbahan ngayon, siguro kasi busy na sya.

Hindi ko alam pero destined ata kami. Ilang beses ko kasi sya nakasabay mag-entrance exam sa mga university. At ngayon, heto, schoolmates na kami.

=”>

Pag nagkakasalubong kami lagi lang kaming nagngingitian. Dun ata ako nagsimulang magkagusto sa kanya, nang makita ko ang mga ngiti nya. Pero ni minsan noon, hindi ako nagkaroon ng lakas ng loob para iparamdam sa kanya ang tinitibok ng puso ko.

“Glen? O-okay ka lang ba?” Oo nga pala, may magandang dilag akong kasama ngayon. :D

“Ah. Eh. Nako Jorj, pasensya na sa sinabi ko ha.”

Napailag naman sya ng tingin sa akin.

Eto, tahimik kaming nakasakay sa tricycle. Nakakahiya yung sinabi ko kanina. Sana pala hindi ko na sinabi.

Pero gusto ko syang maging akin kahit sa sandaling panahon lang.

Ang sarap ng hangin. Ang mga hanging dumadampi sa balat ko..

Malapit na rin pala kami sa bahay ni Jorj.

“Hindi kita pipilitin na payagan mo akong manligaw, pero hihintayin ko yung sagot mo sa tanong ko, Jorj. Bye. Ingat ka ha?”

Bumaba na sya ng tricycle at nginitian lamang ako.

Ano kayang ibig sabihin ng ngiting yon? Hindi nya ba alam na sa tuwing ngingiti sya eh lalo akong nahuhulog?

Haaayyyy…  =”>

Ang gay ba? Pasensya naman. Nagmamahal lang.

Alam kong kakagaling nya lang sa isang break up at alam kong mahal nya pa yung lintek na nanakit sa kanya. Pero sana…

Sana lang

matutunan nyang buksan ang puso nya para sa mga taong nagmamahal pa sa kanya.

Katulad ko.

(Jorj’s POV)

GRABE! Sobrang gulat ko naman dun sa tanong ni Glen kanina. Natitigan ko lang tuloy sya at tanging ‘okay ka lang ba?’ yung lumabas sa bibig ko.

Haller?? Eh parang kanina lang kami nagkausap ng matagal ah, tapos manliligaw na agad sya?? ASA NAMAN! Ganun na ba ako kaganda para madaliin nya? HAHAHAHA. Joke lang syempre. Alam ko namang hindi ako kagandahan.

Pero ang sabi nya kanina maghihintay daw sya ng sagot sa tanong nya. Ano ba yung tanong nya? Iyon ba yung kung pwede sya manligaw?

Ready na nga kaya talaga ako?

“Jorj?”

*tok tok*

Binuksan ko yung pintuan ng kwarto ko.

“Bakit po mommy?”

“Tara na at kakaen na tayo.”

Ang sarap naman ng ulam namin, pinakbet my paborits! :D

Kaen lang ako ng kaen.

Subo ng subo.

Hindi naman ako masyadong gutom nito pero bumulos pa ako ng pagkaen? HAHAHAHA

Unforgiving LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon