Chapter 2 (1 missed call)

157 1 1
                                    

“Bes! Hoy Jorj! Anong eksena ginawa mo sa party ni Jess?? Ha?? Tumahan ka na nga dyan! Kita mo ‘tong babaeng to. Gagawa ng eksena tapos iiyak iyak. Tingin mo ba maganda ka na nyan?”

*sigh*

“Nainis lang kasi talaga ako. Sobrang saya nya kasi eh. Hobby nya na talagang saktan ako. Oo nakakatawa yung nangyari kanina. Pero bakit nung nakita ko sya habang pinagtatawanan ako, ang sakit sakit! T.T”

“Gaga! Engeng ka talaga! Tignan mo nga yang sarili mo! Eto salamin oh”

Syempre tumingin naman ako sa salamin. Ayokong napapahiya si Bes ko eh.

“Nakita mo na kung gaano ka nagmumukhang talunan dyan sa Steve demon na yan? Ha?? Sa tuwing iiyak ka dyan, lalo lang syang magkakalakas ng loob para saktan ka!”

“Haayy.. Sorry for this mess.. I wanna go home.. Please tell Jess that I’m so sorry.”

“Okay. I’ll bring you home” Nagpapakagentleman na naman 'tong si Jed.

“Salamat Jed but you don’t need to do that. I want to be alone. I promise I’ll text both of you when I got home.”

“Sige Bes. Basta andito lang ako ha.. Pahug nga!!! Bye. Take care”

Mag-isa ako ngayon. Naglalakad pauwi. Umiiyak. Ala lang, trip ko lang maglakad at magmuni-muni. Hindi naman kalayuan yung bahay namin dito.

Haaaayyyyyy….

Dati sa gantong panahon, kasama ko sya. Pinupunasan nya ang bawat pagpatak ng luha ko. Ginagawa nya ang lahat para mapatawa ako at para maging ayos ang lahat. Pero eto na nga. Ngayon, sya na ang dahilan ng mga luha na to.

D@mn! T.T

Lakad lang ako ng lakad. Di ko na nga namalayan na andito na pala ako sa tapat ng bahay namin.

Hindi muna ako pumasok. Ayokong makita nila mommy na umiiyak ako. Mapapagalitan lang ako nun.

Magpapalipas muna ako ng kalungkutan dito sa labas ng bahay namin. Makagpahangin na rin.

Heart beats fast

Colors and promises

How to be brave

How can I love when I'm afraid to fall?

“AY ANAK NG TOKWA! Ayan nalaglag tuloy yung cellphone ko.Tss. Asan na ba yun? SH*T naman!” 

But watching you stand alone

All of my doubt

Suddenly goes away somehow

One step closer

“Jorj ikaw ba yan? Ba’t hindi ka pa pumasok? Malamig dyan sa labas ah.”

Nakakainis! Ayan. Narinig tuloy ni mommy boses ko. Ganun na ba kalakas boses ko? Tss.

I have died every day waiting for you

Darling don't be afraid

I have loved you for a thousand years

I'll love you for a thousand more

“Opo. Andyan na po!”

Bwiset kang cellphone ka. Kung sino man yung tumawag nakakainis! Sakto pa pala yung ringtone ko sa nararamdaman ko ngayon. ARGH!

Sino ba kas --

1 missed call

Steve

BOOM!

Unforgiving LOVEWhere stories live. Discover now