Chapter 14 (Dad's back)

113 0 0
  • Dedicated to Sarah Sioson
                                    

Natulog na rin kami ng barkada ng makaramdam na ng pagod ang bawat isa. Syempre magkahiwalay ng room yung mga girls at boys, mahirap na baka may kababalaghan pang mangyari. Di na keri ng powers ko yun.

Pero syempre bago kami matulog nagkwentuhan muna kaming tatlo, nalaman ko rin dun na nung nag-away si Anna at Jed dati sa may Plaza, sinampal at tunadyakan nya pa ito sa harap ng maraming tao. Tindi din nila kung mag-away eh. Minsan naaawa na ako kay Jed kasi puro physical abuse yung natatanggap nya kay Anna pero syempre kawawa rin naman ang bff ko kasi emotionally hurt naman sya. Si Jess at Patrick naman bihira lang mag-away, oo nag-aaway sila pero yung maliliit na bagay lang. Kasi naman napakamaunawain ni Patrick kahit minsan may pagkastrict. 

Hay, nakakamiss din pala yung feeling ng may boyfriend. Sana magkaboyfriend na ako.....

Kinabukasan nagtampisaw ulit kami sa dagat at pinuntahan yung lugar kung saan maraming pawikan. Sinubukan ko pa ngang buhatin yung isang malaking pawikan eh, sobrang bigat! Pero syempre di mawawala ang picture picture. Then tinry naming sumakay sa bangka na papunta sa isang cave.

Ang ganda talaga ng nature, nasa bangka pa rin kami ngayon, ang sakit sa balat ng init pero malakas ang hangin. Malakas makaitim yun. May sunburn na nga ako agad eh. 

Tumingin ako sa dagat, kitang-kita yung mga jelly fish na malalaki. Sabi nakakakuryente daw yun tapos pwedeng ikamatay. Kinuha ko yung stick na mahaba sa tabi ko at tinry sundut-sundutin yung mga nadadaanang jelly fish, wala namang nangyari. Hawakan ko kaya? 

Malapit ng matouch ng hands ko yung tubig kaso bigla akong hinila ni Anna, magpicture-picture daw kami. Syempre go lang ako. Super picture nga sila eh, lalo naman si Glen. Feel na feel yung camera nyang maganda. Haha. Ngayon ko lang naramdaman yung saya, kahapon di masyado kasi nagkakanya-kanya. Ngayon kasi isang grupo na talaga. 

*krukru*

Naku po! Nagugutom na ako, malapit na kasing mag11 eh. Kumaen naman kami ng agahan pero gutom na ako agad. Kaya ako tumataba eh, lagi akong gutom. Tatanungin ko na sana si Anna kung may dala bang pagkaen kaso si kuyang nagpapaandar ng bangka eh sabi andun na daw kami sa cave. Syempre hiyawan naman kami kasi after ilang minutes andito na kami sa isang napakagandang lugar.

Mabato dito pero may part pa rin ng dagat kaya swimming lang kami ng swimming. Kinuha ko yung goggles ko para tiganan ang ilalim nga dagat, nilubog ko ng bahagya yung ulo ko. Pag kakita ko nung ilalim, wow lang ha! Wow talaga sa ganda! Ang daming maliliit na isda, andun pa nga si nemo eh, kasama nya yung friends nya. Haha. Ang ganda rin ng mga corals. Tapos may mga jelly fish din na maliliit, tinry kong kumuha ng isa para matesting kung makukuryente ako, pero hindi naman ako nakuryente. Pinaglaruan ko lang talaga yung kinuha ko, kaso mukhang namatay agad. So kelangan pala sa tubig lang talaga sila.

Ang saya ko ngayon. :) Si Glen naman ayun, picture pa rin ng picture, mayaya nga dna bumaba sa bangka. "Hoy Glen! Tara dito oh! Ang ganda tignan mo dali!" Dali-dali naman syang bumaba ng bangka kaso...

"AAAAHHH!" Napatingin kaming lahat kay Glen. Mukhang nadulas sya sa tinuntungan nya. Naku po!

Nilapitan ko sya, "Glen, okay ka lang ba?"

"Okay na ako, andyan ka na eh! :)" 

Binatukan ko sya, "Ikaw talaga nadisgrasya ka na't lahat nambobola ka pa rin!" Tapos tumingin ako king Anna, nakatingin silang lahat sa amin at nakangiti.

"Ayieh!!!" Ay kelangan talagang manukso?

"Hoy! Anong ina-ayieh nyo dyan? Batuhin ko kayo dyan eh!" 

"Sagutin mo na kasi Jorj! Pakipot ka pa eh!"

"Hoy Jed tigilan mo nga ako! Hindi yan minamadali!" Napatingin ako kay Anna, sa akin sya nakatinginpero hindi sa mata ko, sa ibang parte ng katawan ko. Tumingin ako sa dibdib ko baka kasi nakikitaan na ako hindi ko pa alam, naka sando na spaghetti strap lang kasi ako. Pagtingin ko okay naman, tumingin ako sa zipper ng shorts ko hindi naman bukas. Bakit kaya?

Unforgiving LOVEWhere stories live. Discover now