Chapter 26 (Inuman mode)

75 0 0
                                    

1 week later

Nababadtrip ako. Hindi man lang nagpaparamdam si Gilbert. So ano yun? Mang-iiwan na lang sa ere? Ganun? Tss. Tanga ko na naman! Naniwala na naman ako sa mga sweet words. Tae naman Jorj! Bakit ganyan ka katanga sa pag-ibig?

Pilit ko namang iniintindi Gilbert eh. Oo walang signal dyan pero ano naman ba yung isang text lang diba? ARG! Siguro naman kahit minsan nakakasagap ng signal yung phone nya diba? Pwede naman sa FB. Hindi man lang ba ako nabanggit sa kanya ni Tyra?

Haay.

Assuming kasi ako masyado eh! Feeling ko akin na sya.. Yun pala isa na namang PAASA sa buhay ko! Bwisit! Hindi ba ako karapat-dapat mahalin ng isang lalaki? Bakit lahat ng mahal ko nawawala? Iniiwan ako?!

*sigh*

Tinext ko yung high school friends ko. Sina Lady, Rosselle, Milan, JM, Mhar, Jay, Louis, Martin at Rie.

Oy! Tara Razz tayo ngayon na. Kita kits na lang dun ng 9pm.

Message sent

Sila yung mga close ko nung high school bukod kay Anna at Patrick. Classmate ko sila, si Anna sa ibang section kasi sya at si Patrick ahead sa amin ng 2 years.

Inaya ko sila sa Razz, isang lugar kung saan pwedeng magwala. Hahaha. Joke. Bar yun. Ala lang. Gusto ko lang magpakalasing. Gusto kong lunurin sa alak ang bituka ko. Malakas ang loob kong mag-aya kasi wala si Mommy sa bahay. Dun sya natulog sa bahay ni Tito John. At pwede kong patulugin sa bahay yung barkada.

Naligo muna ako para fresh naman ako bago mag-amoy alak. Haha. After ko maligo nagbihis na ako at nagpaganda ng kaunti. Ang attire ko? Shorts na di gaanong kaiklian at hanging blouse. Basta yung uso. Hahaha!

Rosselle calling..

Mukhang andun na sila ah.

“Jorj, nasaan ka na? Ikaw na lang ang hinihintay.”

“On my way na.”

“Sige. Bilisan mo.”

“Bye.”

Palabas na ako ng bahay ng may makita akong tao sa labas.

Tinitigan ko muna sya ng mabuti at kinilala. Baka kasi rapist eh. Sinara ko yung pintuan ng bahay at napalingon sya.

“Ang tagal mo naman Jorj! Kanina pa ako naghihintay dito sa labas nyo eh.” *sigh* SI JM lang pala.

“Aba. Sino bang may sabing sunduin mo ako saka bakit ba di ka nagdoorbell?”

“Kanina pa kaya ako nagdodorbell. Saka baka mapaano ka sa daan.”

“Eh sorry na. Eto na nga po oh.”

Nilock ko muna yung pintuan ng bahay at pati yung gate bago lumabas ng bahay.

Di rin nagtagal nakarating na kami sa Razz at sinalubong naman kami nung iba pa.

“Bakit di pa kayo pumapasok?” Bungad ko sa kanila.

“Eh nahihiya kaming pumasok.” - Lady

“Ay ganun? Bakit?”

“Haller Jorj! Minorde edad pa lang yung iba sa atin. Baka po kasi hindi tayo papasukin.” – Mhar

“Naku madali lang yan. Follow me.”

Sinundan naman nila ako papasok ng bar at ako’y hanga na talaga sa sarili ko. Hahaha. First time ko lang din pumunta dito at hindi ko alam yung patakaran dito pero nakapasok kami.

Nang makahanap na kami ng table namin eh inabutan kami ng isang napakalaking menu nung babaeng nakamaikling suot. Waitress siguro. Malamang.

Unforgiving LOVEWhere stories live. Discover now