Chapter 31 (His side)

33 0 0
                                    

(Gilbert’s POV)

Simula nung araw na nakita ko yung Glen at nakasama ng isang buong hapon eh hindi na ako mapakali.

Kung nagtataka kayo kung bakit ang tagal kong nawala ay dahil yun sa paghahanap ko ng info about dun sa Glen na yun.

Mag-isa lang akong kumilos nun at walang pinagsabihin ni isa sa mga kakilala ko pati kina Mama. Di ko sinabi sa kanila kasi gusto kong makasiguro kung sya na ba talaga yung kapatid ko saka kung magkamali man ako ng hinala eh hindi malulungkot si Mama at Ate.

Sila kasi yung pinakaapektado sa pamilya bukod sa akin. Si Papa kasi nawalan na ng pag-asa, si Mariss naman eh walang alam sa nangyaring yun dahil nga hindi pa sya buhay nun.

Nung una wala lang sa akin na kapangalan nya si Kuya Glen. Marami naman kasi syang kapangalan. Pero sa kanya lang talaga ako kinutuban na baka sya na yung nawawala kong kapatid.

Inalam ko kung saan sya nakatira para alam ko kung saan sya pupuntahan. Sunod yung birthday nya and about sa family background.

Nung malaman ko pa lang yung birthday nya, hindi na ako nagdalawang isip pang wag ng ipagpatuloy pa ang pag-alam ng background nya. January 14, 1993, kabirthday nya si Kuya Glen.

Pangalan pa lang at birthday pero lumakas lalo yung kutob ko na sya nga yun.

Next is yung family background. Mayaman yung mga magulang nya at may sariling business. Isang anak lang sya. Pero ang umagaw talaga ng atensyon ko dun sa mga info eh yung malaman kong di pwedeng manganak yung Mama ni Glen. Ibigsabihin, hindi nya tunay na anak si Glen.

Di na ako nagpaligoy-ligoy pa at pinuntahan ko na yung office ng Papa ni Glen at kinausap ko sya.

Flashback

“Hijo, ano bang maitutulong ko sayo?” Tanong nya sa akin.

“It’s about your son, sir.” Kabado kong sabi.

“Bakit hijo? May ginawa bang di maganda yung anak ko? Importante ba masyado at kelangang sa office ko pa tayo mag-usap?”

“Hindi po about dun sir.” Huminga ako ng malalim. Dederetsahin ko na. “May nawawala po kasi akong kapatid na Glen din yung name. Itatanong ko lang po sana ku--”

“Kung tunay kong anak si Glen? Paano kung sabihin ko sayong tunay ko syang anak at nagkakamali ka sa hinala mo?” Pinaikot-ikot nya sa mga daliri nya yung hawak nyang ballpen. Yung parang relax na relax pa.

“Ganun po ba sir. *sigh* Sige po mauna na ako. Sorry po sa abala.” Tumayo ako at paalis na sana ng magsalita ulit yung Papa ni Glen.

“Paano kung sabihin ko rin sayo na hindi namin sya tunay na anak? At baka tama yang hinala mo?” Napahinto ako sa narinig ko at humarap sa kanya.

“Matagal na naming hinahanap yung tunay na pamilya ni Glen pero hindi namin nakita dahil kulang din yung information namin sa kanya. Hindi nya kilala ang mga magulang nya, lagi na lang syang naka- Mama at Papa. Ang alam lang nya eh yung birthday nya pati yung pangalan nya. Pati yung pangalan ng kapatid nya lagi nyang nababanggit.”

“A-ano daw po yung pangalan?” Pang-uusisa ko.

“Gi.. Gi.. Ano nga ba yun?” Nilagay nya yung hawak nyang ballpen sa ulo nya, yung parang nag-iisip. “Ah!  Gil! Ayun, Gil nga!” Napangiti ako sa narinig ko. Mukhang tama nga yung kutob ko.

“S-sir, ako po si Gil.”

End of flashback

After nung incident na yun eh pinaalam ko na kina Mama. This time, sure na ako na sya na talaga yun. Sya na yung Kuya Glen na lagi kong kasama nung maliliit pa kami.

Unforgiving LOVEWhere stories live. Discover now