Chapter 20

71.1K 1.2K 120
                                    

Frances P.O.V.

Pag gising ko kinabukasan Tracy was already gone. Ang sakit sa mata ang sikat ng araw, nilingon ko si Louise sa tabi at nakita ko na tulog na tulog pa din sya.

"Sleepy head." nakangiting sabi ko.

I kiss her sa forehead and bumangon na ako para maghilamos at mag toothbrush. Paglabas ko ng kwarto nadatnan ko ang boys na nasa dining area umiinom ng kape, halatang may mga hang over sila.

Si Enzo nakapatong ang braso sa mesa at nakatungo, sina Migs at Nathan naman parang mga nakapikit pa habang nakaupo. They really looked wasted, kaya ako hindi ako umiinom.

Ayoko kasi sa lahat ang hang over. Naalala ko sina Amanda and Tiff nga pla uminom din kagabi pero hindi ko sila makita sa dining area.

"Nasaan si Tiff and Amanda?" I asked no one in particular, hindi din kasi ako sure kung nasa tamang wisyo na yun tatlo.

"Nasa room pa sila." si Nathalie ang sumagot. Hindi ko sya napansin nakaupo pala siya sa sofa sa may living room habang nanonood ng TV. Magkadugtong lang kasi ang living room at dining area, meron lang nakalagay na maliit na divider.

Hindi ko sya pinansin (dahil inis pa din ako sa kanila ni Louise) at dumaretso ako sa 2nd floor para gisingin yun dalawa, for sure tulog pa yun.

Pinihit ko ang doorknob at nakita ko ang dalawa na tulog na tulog pa nakahilata sa kama. Ang makapal na kurtina ay nakasara pa kaya pala medyo madilim pa sa kwarto.

Naalala ko si Tracy, hindi ko din pala siya nakita sa ibaba. Hinila ko ang kurtina kaya naexpose ang liwanag ng araw. Sabay na umungol ang dalawa ng nasinagan na sila ng araw. Mga bampira lang ang peg?

"Gumising na kayo aba tanghali na." medyo nilakasan ko ang boses ko para marinig nila. Si Amanda medyo dumilat ang mata pero hinarangan ng kamay nya sa nakakasilaw na liwanag.

"Oh come on Frances, palibhasa wala kang hang over." reklamo ni Amanda.

"Kaya nga hindi ako umiinom kasi ayaw ko ng hangover." pang aasar ko sa kanya, lumapit ako sa kama nila saka naupo dito.

Si Tiff naman pupungas pungas na umupo na at tila wala pa sa sarili.

"Tara girls bangon na kayo." aya ko sa kanila habang hinihila pababa yun kumot nila. Tinignan muna ako ng masama ni Amanda bago bumangon at pumunta ng CR sa may hallway.

"Haha hindi maganda ang gising ni Amanda." natatawa ako sa kanya.

Nang tila nahimasmasan na si Tiff saka nya naramdaman ang sakit ng ulo, sapo sapo nya ang ulo nya at naghahanap ng pain reliever sa drawer ng table sa tabi ng kama.

Tumayo na ko sa kama ng nasigurado ko na gising na silang dalawa. Bumaba ako para magluto ng breakfast, kumuha ako ng itlog at nagluto ng scrambled egg. Nagluto din ako ng bacon at pancakes kasi wala palang stock ng bread sa drawer.

Ang bilis nagsikainan ng mga boys kaya walang tigil din ako sa pagluluto, sinilip ko si Nathalie sa sofa nanonood pa din ng TV. Naasar ako ng hindi man lang magawa tumulong sa pagluluto ko.

Nag init na din ako ng tubig para makapagkape sina Tiff pagbaba nila. Tinanong ko din ang mga boys kung nakita ba nila sa Tracy. Sabi ni Enzo lumabas daw kanina, naisip ko baka nagpunta sa may kubo sa labas.

Pagbaba nina Amanda kumain na din sila ng breakfast at uminom ng kape, niyaya nila si Nathalie pero ang sabi hindi pa daw sya gutom.

Maya maya pa nakita ko na din si Louise na bumaba, nakasuot sya black Nike shorts at naka white fitted shirt. Hindi maalis ang titig ko habang bumababa sya ng hagdan, she looked so edible. Parang bigla ako nagutom ng nakita ko siya.

My Ex-boyfriend's girlTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang