Chapter 19

60.3K 1.4K 202
                                    

Frances P.O.V.

Around 7pm ay gumawa na kami ng bonfire, paikot kami naupo habang umiinom ang mga guys ng beer at kaming girls ay softdrinks lang. Kakatapos lang namin nagdinner, nagluto na lang kami ng corned beef and hotdogs para madali makakain.

Hindi ko na pinansin si Louise na wala pa din ginawa kundi makipagkwentuhan kay Nathalie.

Si Enzo parang masama na din ang loob, paano ang bisita nya hindi ana din sya pinapansin.

After ilang minuto ay minalas na biglang bumuhos ang ulan, no choice kami na pumasok na sa loob ng resthouse.

Naisipan namin maglaro ng truth or dare. Kumuha kami ng empty bottle at paikot kami naupo sa may living room.

Saglit muna natigil ang kwentuhan nina Louise at nakigulo na sa amin.

Una nag spin si Enzo, mabilis nya inikot ang bote. Habang dahan dahang huminto ang bote sa tapat ni Amanda ang bote.

"Amanda truth or dare?" Tanong ni enzo.

"Truth." sagot ni Amanda

"Are you still a virgin?" Malokong tanong ni Enzo. Sabay sabay kami nagtawanan sa tanong nya.

Saglit na akala mo nagiisip si Amanda. Nakatingin pa sa ceiling habang nakahawak sa baba. "No." sagot niya.

"Oh!!" reaction namin ni Tiff. Nagulat kami sa sinabi ni Amanda, alam namin hindi pa sya nagkakabf, well dati may nakadate lang.

Naku tatanungin ko sya mamaya. Mukhang meron syang hindi sinasabi sa akin.

Nag spin si Amanda at natapat kay Tracy. "Truth or dare tracy" tanong sa kanya ni Amanda.

"Dare." sagot ni Tracy.

Nag iisip ulit si Amanda, nang biglang pilyang napangiti. "I dare you to kiss Enzo."

"No way!" Biglang naibulalas ni Tracy.

Tawa ako ng tawa, knowing her na paka conservative nya. I bet kung nagkaroon na sya ng boyfriend before.

"Walang killjoy Tracy, just do it!" sabi ni Amanda habang nilalapit nya si Enzo na nakangiti din ng nakakaloko.

Napalunok muna si Tracy bago kabadong kabadong humarap kay Enzo. Si Enzo hinawakan siya sa mukha nya bago tinitigan ang nakapikit na si Tracy. Unti unti lumapit ang mukha nya kay Tracy at kaming lahat ay naghihiyawan na.

Mga 5 seconds lang tumagal ang kiss nila, after nun si Tracy napainom ng beer. Halatang tense pa din. Natatawa na lang ako habang pinapanood sila.

Pag ikot ng bote ni Tracy kay Louise natapat. "Louise truth or dare?"

Saglit na natahimik si Louise bago sumagot "Dare." tapos tumingin siya sa akin. Inirapan ko lang sya bago tumingin kay Tracy habang hinihintay ang sasabihin nya.

Si Tracy na medyo tinamaan ata ng beer na ininom nya " I dare you to kiss any person in this room you find attractive." parang lasing na nagsalita.

Inikot ni Louise ang mga mata nya, nang nagtama ang tingin namin ay umiwas ako dito. Asar pa din kasi ako sa kanya.

Natahimik ang lahat habang unti unti sya lumapit sa side ko, kinakabahan ako at pigil ang hininga ng malapit na sya sa akin.

Laking gulat ko ng lumampas siya sa akin at akmang hahalikan ang katabi ko na walang iba kundi si Nathalie, pigil din ng lahat ang hininga nila ng unti unti na nya nilapit ang mukha nya kay Nathalie habang sa loob loob ko ay kumukulo na ang dugo ko.

My Ex-boyfriend's girlWaar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu