Chapter 10

63.1K 1.4K 261
                                    

Frances P.O.V.

"Aray!" nakangiwi na sabi ko habang nilalagyan ng nurse ng iced pack yun namamaga kong ankle.

"Hold this for a while Ms. Lavapiez, may kukunin lang ako gamot para ipainom sa kanya ng mabawasan yun pamamaga." Mabilis na pumunta yun nurse sa drawer nya, habang si Louise na ang naghahawak ng iced pack.

Si Migs lumabas muna para ipaalam sa teacher at sa parents ko yun nangyari.

Inabot sakin ng nurse yun gamot at bottled water.

Ininom ko yun gamot at uminom ng tubig habang umiiwas ng tingin kay Louise. Kung hindi pa dumating sina Migs at yun nurse kanina baka may nangyari na naman sa amin na hindi kanais nais.

Naguguilty na naman ako..yun unang kiss namin ok lang pero yun uulitin pa namin, masama na yun.

I feel bad... dapat siguro iwasan ko na lang si Louise habang maaga pa, ayoko masaktan si Migs, I still love him.

"Frances ang lalim ng iniisip mo ah?" kunot noo na tanong sa akin ni Louise.

Inagaw ko yun iced pack sa kanya, saka dahan dahan akong bumaba ng kama. Gusto nya ko alalayan pero tinabig ko yun kamay nya. Nagulat sya sa ginawa ko pero wala naman sya sinabi, hinayaan na lang ako.

Dahan dahan ako naglakad para hindi mapwersa yun paa ko.. Lumabas na ako habang kasunod ko si Louise sa likod ko. Inabot nya na din ang bag ko na mabilis ko kinuha.

Sinalubong ako ni Migs bago ako inalalayan, sabay na kami pumasok sa 2nd class namin at inalalayan pa din ako hangang sa makaupo. Si Louise tahimik lang na naupo sa tabi ko.

Nang lunch break na ay halatang naging mas sweet sakin si Migs, pinagsisilbihan nya ko kulang na lang ay subuan na ko.

Sumulyap ako kay Louise, napansin ko seryso lang sya kumakain parang ang lalim ng iniisip.

"Migs ok lang ako, kaya ko na 'to. Dun ka na tumabi sa gf mo baka nagseselos na sa akin." pagtataboy ko sa kanya.

"Hindi, ok lang yun maiintindihan naman ni Louise yun." Sabi nya habang patuloy pa din nilalagyan ng pagkain ang plato ko.

Maghapon kami hindi nagusap ni Louise, iniwasan ko sya.

Kaya nagtataka na din si Amanda "Girl ok lang ba kayo ni Louise, parang napapansin ko na nadedeadmahan kayo. Si Migs ba ang dahilan?" Tanong sakin ni Amanda habang nakaupo kami sa bench, habang nagaantay ng sundo ko. Medyo na late lang yun driver namin kasi dinaanan pa nya si Dad.

Nasa practice na sina Migs at Nathan, maging si Louise ay nasa practice naman ng volleyball.

"Hindi.." pano ko ba ieexplain sa bestfriend yun nangyari. Hindi ko alam kung kaya ko ba ikwento yun sa kanya. Ang alam nya ay si Migs ang gusto ko mapunta ulit sakin, pero ang gf nito ang hinalikan ko.

"Nakikita ko na napapalapit na ulit si Migs sa'yo, siguro saglit na panahon na lang ay matutupad na ang plano mo". nakangiti na sabi nya.

Oo nga eh lalo na kanina alalang alala sakin ng nagka sprain ako.

Nagtext na sakin yun driver na nasa labas na daw sya ng school, kaya nagpaalam na kami ni Amanda sa ibang friends namin na uuwi na.

Pagdating ko sa bahay ay umakyat lang ako sa room ko at nagcheck ng Facebook.

Nakita ni Manang Lory na ika ika ako kaya inalalayan nya ako makaakyat sa room ko at dinalhan nya ako ng iced pack.

Pagkatapos ay saglit na gumawa ng assignment, at yun project namin ni Louise hindi ko pa natatapos..hay malapit na ang deadline.

Pagkaisip ko kay Louise ay bigla ako nalungkot, dapat kalimutan ko na yun nangyari sa amin at ituloy ko na iwasan sya. Ewan ko kung paano eh kasama na sya sa grupo namin.

Naalala ko yun dress na gagamitin para sa party, hindi na kami nakapunta sa mall dahil sa sprain ko. Bukas na lang siguro kasi sa Sunday pa naman yun.

Tinawagan ko si Amanda, sinabi ko na hindi ako makakapunta sa cheerdance practice namin. Sinabi ko na sya muna ang bahala dun, naintindihan naman nya dahil sa kundisyon ko.

Pagkababa namin ng telepono ay malalim ako nagisip. Si Louise... si Migs... ang dami na nangyari sa akin sa loob ng ilang linggo.. Si Migs mahal ko pa din at ramdam ko na mahal pa din nya ko.

Si Louise, ano nga ba kami? Bakit may attraction kami nararamdam sa isat isa? Bakit ko sya hinalikan at muntik na ko mahalikan ulit kanina?

Ang gulo....sakit sa ulo.

Bigla tumunog ang phone ko.

May nagtext. Pagtingin ko galing kay Louise, pagkabasa ko ng name nya bumilis na naman ang tibok ng puso ko.

Kakauwi lang daw nya galing practice.

Yun sunod nya text nawindang ako.

Louise: nasa labas ako ng house nyo, labas ka.

Oh pano naman nya nalaman ang bahay namin?

Nakalimutan ko nagpunta na nga pala siya dito noong sinundo nya ako. Nawala sa isip ko.

At ano naman kailangan nya sakin?

Maingat ako bumaba ng bahay at paglabas ko nakita ko sya nakasandal ulit siya sa kotse nya.

Sa liwanag ng buwan, napansin ko ang itsura nya, pawisan at halatang pagod sa practice,pero kahit ganun ang hot pa din nya tignan. Bakat ang sexy body nya at nakakapaglaway ang long legs nya. suot nya yun nike shorts and sport shirt nya. Hindi ko mapigilan mapalunok sa nakikita ko.

Lumapit ako sa kanya habang nakatingin siya sa sementong kalsada.. parang may iniisip.

"Louise? Ano ginagawa mo dito?" Tanong ko ng makalapit na ko sa kanya.

"Kamusta na ang ankle mo ok na ba?" iwas nya sa tanong ko, tumingin sya sa mga mata ko.

"Lavapiez ano ba? bigla bigla ka na lang sumulpot dito!" naiinis na tanong ko ulit habang nakacrossed arms.

"Come on Frances, let's sleep... I'm tired" aya nya sa akin habang papasok sa bahay.

"Hellooo ok ka lang, wala ka bang bahay? Ang laki laki ng condo mo dun ka!" Pigil ko sa kanya habang hawak ang braso nya.

"Katamad matulog mag isa eh, come on, sleep lang tayo promise." pagod na sabi nya, parang medyo napapapikit na yun mata nya.

Shit. Ano ba naman to. Kasama ko now Ang babaeng gumugulo sa isip at gusto pa ngayon matulog sa kwarto ko..at sa kama ko pa.

Napabuntong hininga na lang ako.

Hindi ko na sya napigilan at nakapasok na sa kwarto ko. Mabilis na humiga sa bed ko sabay tap sa tabi nya para mahiga na din ako.

"Imposible ka talaga Lavapiez." hopeless na sabi ko.

Hesitant pa ko tumabi sa kanya. Pinagmasdan ko lang sya.

Naalala ko ni hindi pa sya nagpapalit ng damit.

"Hey pawis na pawis ka pla, baka malagyan mo yan bedsheet ko. Ano ba." sabi ko sa kanya bago ako lumapit sa kanya saka siya niyugyug. Nakapikit na kasi sya parang tulog na.

Bigla sya umupo bago hinubad yun sport shirt nya saka hinagis sa gilid ng kama Saka sya ulit nahiga.

Oh shit!

Nakasport bra na lang sya. Pinagmasdan ko ang ang flat stomach nya at ang malaki nyang (ehem) hinaharap. Grabe ang sexy nya. Nag init bigla ang pakiramdam ko.

Makakatulog pa ba ako nito?

This is going to be a long night ....that's for sure.

My Ex-boyfriend's girlWhere stories live. Discover now