Chapter 39

40.2K 856 62
                                    

Frances P.O.V.

"Louise!" Sigaw ko habang hinahabol sya, pero dahil nga sa mabilis syang tumakbo ay nahirapan akong abutan sya. Nakasakay na sya sa kotse at saka ito nilalabas sa parking area.

Mabilis akong humarang sa dadaanan ng kotse nya. Muntik nya na akong mabangga buti na lang ako nakapagpreno siya agad.

"What the fuck Frances?!" Sigaw nya habang namumula na sa galit.

Wala na akong sinayang na oras, nagmamadali akong sumakay sa kotse nya na habol habol ang hininga ko.

Nakatingin lang siya sa akin.

"Just drive." utos ko..paano ba naman nakita ko si Migs na lumabas ng pancake house at hinahanap ako.

Mabilis na kinabig nya yun sasakyan papalabas ng parking, tahimik lang kami habang nasa loob ng sasakyan.

Pagkatapos ng mga 5 minuto ay galit na tinabi nya yun kotse sa isang bakanteng lote. Pinatay nya yun makina saka humarap sa akin.

"Gusto mo ba magpakamatay kanina ha? Paano kung hindi agad ako nakapagpreno?!" Sabi nya, halata pa din ang inis.

"Mas gugustuhin ko pa mamatay kaysa layasan mo ako kanina," inis na tumingin din ako sa kanya.

"Sino naman matutuwa sa naabutan ko kanina? Nagmamadali akong bumalik ng Manila..para saan? Para makita ko lang yun?"

"Ang problema kasi sa'yo hindi mo ako pinagpapaliwanag, bigla ka na lang nagwalk out!"

Humarap sya sa unahan saka asar pa din na nagcross arms "Nagselos ako, oo na." sabi nya pero sa medyo mahinahong tono na.

"Inuuna mo kasi ang selos eh."

"Ikaw din naman dati nun nakita mo kami ni Nathalie diba?"

"What? Bakit mo icompare yun eh magkaiba yun, nakita ko kayo naghahalikan. Yun sa amin ni Migs hindi naman ganun!" naiinis na ako talaga.

Hindi na sya sumagot.

Tahimik lang kaming dalawa, wala ng gustong magsalita.

Ilang sandaling katahimikan..

"Ano ba ang pinagusapan nyong dalawa bakit mukhang napakaseryoso nakahawak ka pa sa kamay nya." sawakas ay nagsalita na din siya.

I sighed.

"Tinanong nya kasi ako kung mahal ko sya...."

"And?" taas kilay na tanong nya.

"Pinaalam ko na may iba na akong mahal, nasaktan siya sa dahil doon." naalala ko na naman yung pain sa mata ni Migs kanina at sobrang naawa ako sa kanya. Kahit ayaw kong saktan siya ay kailangan nyang malaman ang totoo.

"Kaya hinawakan mo yun kamay nya?"

"Oo kasi naawa ako sa kaya."

Tumingin sya sa akin "Sorry Mine ha, inuna ko ang selos ko;" halata ang guilt sa mukha nya.

Napangiti ako nang marinig ito "Ok lang Mine, alam ko naman kasing dead na dead ka sa akin."

Natawa sya "Haha ganun na ba ako ka obvious?" Saka nya hinawakan yun kamay ko.

"Oo"

Hinila nya ako palapit sa kanya saka niyakap ng mahigpit "Mahal na mahal kita Frances Montejar.." bulong nya sa akin.

"I love you more Louise Andrea Lavapiez.." yumakap din ako sa kanya ng mahigpit.

Saglit akong kumalas ng yakap "Paano mo pala nalaman na nandoon kami sa Pancake house?" bigla ako nacurious.

My Ex-boyfriend's girlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon