Chapter 44

37K 759 91
                                    

Louise P.O.V.

"Tinakwil na nila ako." malungkot na sabi ni Frances after nya makausap ang mommy nya.

Niyakap ko sya at umiyak sya ng umiyak sa balikat ko.

Wala akong nagawa kung hindi aluhin sya at bumulong sa kanya ng "Magiging Ok din lahat."

Nang medyo nahimasmasan na sya ay tahimik lang sya na sumandal sa couch at nag isip ng malalim.

Pagkatapos ng ilang minutong katahimikan ay humarap sya sa akin.

"Mine...dito muna ako sa inyo."

I held her hand "Mine syempre dito ka na titira..hindi mo na dapat sinasabi yan. OK naman yun kay Daddy."

"Salamat Mine..."

"Dapat pala ayusin ko na yung kwarto natin, tapos later punta tayo ng mall bibili tayo ng mga gamit mo." sabi ko, hindi ko alam pero naexcite ako sa idea na magsasama na kami ni Frances sa iisang bahay. Parang instant live-in ang dating namin.

Sumulyap uli siya sa akin at saka tumango, lumapit ako ng upo sa kanya.

"Please Mine wag ka na masyadong sad, nandito lang ako....hinding kita pababayaan at hindi kita iiwan"

"I'm so lucky to have you." sagot nya ng nakangiti na.

Ilang sandali pa ay niyaya ko na sya sa kwarto para tulungan akong mag ayos ng gamit. Yung ibang damit ko sa closet na hindi ko na masyadong ginagamit ay nilagay ko muna sa box, para may space pa sya para sa damit nya. Pati yung ibang shoes ko at iba pang things, nilagay ko muna lahat sa bodega.

"Mine hindi ka naman masydong excited ha." natatawa sya, nakita nya kasi ang enthusiasm ko sa ginagawa ko.

"Masaya lang naman Mine...you know, blessing in disguise nga yung nangyari. Magkakasama na tayo lagi."

Nang matapos na kaming mag ayos ay sabay na kaming naligo na dalawa, take note, naligo lang. Nagmamadali na kami kasi hapon na din kailangan pa namin mag shopping para sa iba nyang mga gamit.

Pagkatapos maligo at magbihis ay lumabas na din kami ng kwarto, naabutan namin si Dad sa may kitchen at nagluluto.

"Dad aalis muna kami ni Frances." paalam ko.

Tumungin sya sa amin "Ok sige ingat kayo."

Bumaba na kami ng basement at saka sumakay na ng kotse. Nakahilig lang sa akin si Frances hanggang makarating na kami ng mall.

Hinawakan ko agad ang kamay nya pagbaba "Mine saan muna tayo?" nakasmile na tanong ko.

Hindi ko mapigilang gumala ang mata ko sa katawan nya, paano ba naman nakashorts and tank top lang sya. Damit ko yun na pinasuot ko sa kanya.

"Punta muna tayo ng department store."

Una syang bumili ng personal things nya like underwear, lotion, toothbrush, soap..etc.

Halos mapuno na yung cart na dala namin sa dami ng pinamili nya, pagdating sa counter ay nilabas ko ang credit card ko pero tumanggi sya. Kinuha nya yung credit card nya at inabot sa cashier.

Pero laking gulat namin na nadeny yung card nya.

"Pati yung cards ko inalis na din pala ni Mommy." mangiyak ngiyak na sabi nya.

"Mine ako na lang." sabi ko saka inabot ko yung card sa cashier. Pagkatapos namin mamili ay nanatili pa din tahimik si Frances...for sure inisiip pa din nya yung nangyari sa kanila ng magulang nya.

My Ex-boyfriend's girlWhere stories live. Discover now