Chapter 25

60.7K 1.1K 83
                                    

Frances P.O.V.

Mabilis natapos ang isang linggo, naipasa na din namin ni Louise yun project namin together. Ang creative ng pagkapresent nya, nagdraw sya ng flowers and sa bawat petals nakasulat ang mga positive traits ko (meron naman kahit paano :)) and she presented it very well kaya I'm sure mataas ang nakuha nyang grade.

Starting Monday ay intramurals (intrams) na namin, for 1 whole week yun kaya wala kami gagawin kundi petiks lang.

Aabagan ko lang ang volleyball game ni Louise. Si Nathan at Migs puspusan na din ang practice sa basketball dahil makakalaban nila ang juniors na may ibubuga din naman.

Speaking of Migs, madalas siya pumunta sa bahay. Pag nandun parents ko kinakausap nya sila. Pag medyo gabi na nagpapahiwatig na ko na may gagawin pa ako o inaantok na kaya napipilitan na din siya umuwi.

Si Louise tuloy madalas din nagseselos dahil kay Migs, lagi ko na lang sinasabi na wag sya magselos. Lagi ko sya tinatawagan kahit nandito pa si Migs, sinasabi ko lagi na I'm only hers ....and hers alone kaya ayun gumaganda din ang mood (konting bola lang diba)

Monday morning maaga ako pumunta ng school suot ko ang aming cheering uniform. Maroon and white ang color combination,

May nakatatak din na "Brentwood high jaguars" sa unahan ng damit ko. Medyo maiki yun top namin kaya labas ang flat stomach ko plus super ikli din ng skirt kaya in short ang sexy and hot kong tignan.

Napapanganga at halos tulo laway lahat ng guy students na nadadaanan ko at hindi mapigilan mapalingon pagkalampas ko, kahit na ang mga girls halatang insecure sa aking sexy figure.

Pumunta na ko sa gymnasium namin at nakaabang na sa akin si Amanda and ibang members ng aming cheering squad.

"Hi Amanda, Nagstart na ba ang seniors competition?" Pambungad na tanong ko sa kanya.

"Hindi pa, pero sunod na yun game nila." nguso ni Amanda sa mga senior players na kasalukuyang nasa bench.

Mabilis na hinanap ng mata ko si Louise, lahat sila ay nakasuot na ng senior volleyball uniform. Kapareho din ng color ng suot ko, iniba lang ng konti yun design and may number sa likod.

Hinanap ng mata ko ang "number 6" yun ang number ni Louise., nang makita ko siya ay kumaway ako.

Napansin nya din ako kaya todo smile din sya nagwave sa akin. Ang sexy nya sa uniform nila. exposed and nakakapaglaway ang flawless long legs nya na may nakalagay na knee pads.

Kitang kita ko din ang tingin nya sa akin ng may pagnanasa.haha. oh well masisisi ko ba siya eh ang sexy ng outfit namin.

Kaya hindi sya nakapagpigil nilapitan nya ako tapos bumulong ng "You're so hot today." habang ako pigil ang kilig at ngiti sa labi ko. I just bit my lip and tumitig lang sa kanya ng malagkit.

Nahagip ng mata ko si Nathalie..kasama din pla sa senior volleyball team. Inirapan ko lang sya ng makita nya ako. Hindi naman kami close. Duh!

Bumalik na sya sa bench kasama ng mga seniors na players at kami naman ni Amanda naguusap na sa uunahin namin gawin sa routine.

Unang nagserve ang mga juniors kaso out naman, masyado ata naexcite ang nagserve. Tapos sunod na nagserve ang seniors, good na, palitan na sila ng palo ng bola.

Biglang nagspike ang junior...ang lakas ng tira nya buti na lang nasave ni Louise yun bola at pagpalo nya hindi nakuha ng kalaban kaya 1st score agad sila.

Lahat ng hiyawan ng mga seniors, sina Tiff, Tracy at Enzo na kasalukuyang nakaupo sa crowd ay nagchecheer din.

Syempre ginawa namin ang signature moves namin habang kasulukuyang silang nagsisigawan. Ang ingay ingay sa loob ng gym, lahat ng juniors at seniors students ay nanonood ng game nila.

My Ex-boyfriend's girlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon