Chapter 45

41.2K 784 204
                                    

Frances P.O.V.

"Naambush daw si Dad, 50-50 sya ngayon sa hospital." balita ko sa kanya at hindi ko mapigilang mapaiyak.

Hinila nya ako palapit sa kanya at saka niyakap ng mahigpit "Magiging Ok lang ang Dad mo." bulong nya habang inaalo ako.

Saglit akong umiyak sa balikat nya "Pupuntahan ko si Dad sa hospital..." saka ako kumalas ng yakap.

"Samahan na kita..." volunteer nya saka kinuha sa kwarto ang susi ng sasakyan.

"Dad aalis muna kami puntahan namin ang dad ni Frances" paalam nya kay Tito.

"Sige tawagan nyo ako kung anong balita.." narinig naming sabi nya bago kami tuluyang nakalabas ng condo.

Habang nasa byahe kami ay maraming bagay ang pumapasok sa isip ko. Paano kung mawala na si Dad? Makakaya ko ba mawala sya, lalo na at alam ko na may sama siya ng loob sa akin.

Hindi tuloy maawat awat ang pagtulo ng luha ko. Nag aalalang sumulyap sa akin si Louise.

Pagdating namin sa hospital ay nakita namin na madaming tao sa labas nito, may mga media at iba at tauhan ni Dad sa munisipyo.

Nang makita nila kami ay mabilis na lumapit sa amin ang media, mabuti na lang at hinarangan agad sila ng bodyguards ni Dad.

"Ma'am Frances dito po." turo ng isa sa bodyguards ni dad papunta sa direksyon kung nasaan si Dad.

Naabutan namin si Mommy sa may hallway, nakaupo sa katapat ng operating room kung nasaan si Dad.

Umiiyak si Mommy, at ng nakita nya ako ay mabilis syang lumapit sa akin saka yumakap.

"Anak....ang Daddy mo.." umiiyak sya at umiyak na din ako.

"Mommy magiging ok po siya..hindi po siya papabayaan ng nasa itaas." pampapalakas ko ng loob, although deep inside ay pinaghihinaan na din ako. Base kasi sa narinig ko ay kritikal ang lagay ni Dad ngayon.

Umupo muna kami ni Mommy, habang katabi ko lang ang tahimik na si Louise.

"Ano po ba yung nangyari?" tanong ko, hindi pa kasi naging malinaw sa akin ang buong pangyayari.

Nakwento ni Mommy na nakalaban pala ni Dad ang mga Dela Paz dahil sa mga illegal business ng mga ito, ilang pasugalan na ang napaipasara nya. Kaya galit na galit daw sila kay Dad at ilang beses ng pinadalhan ng mga death threats, pero hindi naman nya pinansin ang mga yun.

Tapos kaninang hapon, pauwi na si Dad ay tinambangan sya ng mga hindi pa nakikilalang salarin. Pinagbabaril daw ang buong sasakyan nya, mabuti daw ay mabilis na nakayuko si Dad at hindi sya natamaan sa ulo. Pero may mga tama sya sa iba't ibang parte ng katawan.

Nauna ng nagkaroon ng alitan sina Dad at mga Dela Paz dahil si Dad ang tumulong dati na mahuli si Leila Dela Paz dahil sa pagkakabaril nya dati kay Louise. Lalo lang itong lumaki ngayon dahil naman sa pagbuwag ni Dad sa illegal na business nila.

Ilang oras din kaming nag hintay na matapos ang operasyon kay Dad.

Habang nakaupo ako doon ay napaisip ako, sa taon na 'to ay 3 beses na akong nalagay sa ganitong kalagayan...una noong nabaril si Louise, pangalawa ng masagasaan si Migs, tapos ngayon si Dad naman.

Ang malas ata ng taon na 'to sa akin, nahiling ko lang na sana ay hindi na ito masundan pa. Hindi ko na kakayanin na may mangyari pang masama sa mga mahal ko sa buhay.

Naramdaman ko na tumayo si Louise, napatingin ako sa kanya "Gusto mo ng kape?" tanong nya.

Umiling lang ako. Naglakad na sya papunta ng vending machine sa may dulo ng pasilyo.

My Ex-boyfriend's girlWhere stories live. Discover now