Chapter 40

45.2K 813 99
                                    

Frances P.O.V.

Dumating na ang araw at ngayon na ang akong 18th birthday.

Maaga pa lang ay nagising na ako. Madami ng tao sa loob at labas ng bahay, nag aayos na yun caterer, yun cake pinapasok na, yun mga bulaklak na idedecorate sa buong area.

Powder blue ang napili ko motif, ang gown ko ay nahahawig sa suot ni queen Elsa sa movie na frozen. Pati ang hairstyle nya ay igagaya ko sa akin.

Nakita ko si Mommy sa ibaba "Anak mabuti ay maaga ka nagising, maaga ka magprepare para maayusan ka na."

"Mom naman ang aga pa." reklamo ko, hindi pa nga ako nagbreakfast. Grabe talaga si mommy masyadong perfectionist.

"Mabuti na yun maaga, hindi kung kailan nandyan na saka ka magmamadali."

Hindi na ako nakipagtalo pa, dahil for sure hindi naman ako mananalo sa kanya. Pumunta na lang ako ng kitchen para makapag agahan muna.

Naabutan ko si Manang Lory na hindi magkandaugaga sa pagluto ng kakainin namin pati na din sa ipapamerienda sa mga taong nag dedecorate para sa debut ko.

"Hi Manang Lory, ano niluluto nyo dyan?" Bati ko saka ako sumilip sa niluluto nya.

"Good morning senorita, gising ka na pala. Sige umupo ka na lang sa may dining area at ipaghahain kita." sumulyap sya sa akin saka ngumiti.

"Ok. Salamat po," sabi ko saka tumalikod na at naglakad papunta sa may dining table.

Ilang sandali pa ay may dala ng tray ng pagkain si Manang Lory, pancake, hotdogs, wheat bread at bacon ang dala nya. Inilapag nya ang mga pagkain saka ako nagpasalamat sa kanya.

Kinuha ko ang cellphone sa bulsa ko saka tinext agad si Louise.

Me: Mine maaga kang pumunta dito ha, gusto ko nandito ka na bago maglunch.

Ilang sandali pa ay nagreply na si Louise

Louise: uyy namiss agad ako ng maganda kong girlfriend ;)

Me: oo syempre, lagi naman :) sige na pleaseeee Mine

Louise: ok :) I'll be there kain muna ako bfast. I love you.

Napangiti ako saka itinago na muna ang cellphone sa bulsa ko. Pagkatapos kong mag breakfast ay pumunta muna ako sa may garden namin para tignan ang ginagawa ng caterer at yun decorator ng area.

"Hi, you must be the debutant." may boses ng babae ang narinig ko sa may likuran. Paglingon ko ay isang girl ang nakangiti sa akin, hindi siguro nagkakalayo ang edad namin. She's pretty, ang ganda ng smile nya pati mata nakangiti.

"Yeah..I'm Frances." sagot ko.

"Hi I'm Arianne, I'm the flower arranger." sabi nito saka tinaas ang kamay nya.

Inabot ko ito at saka nakipagkamay "Oh hi, ikaw pala ang responsible dito." sabi ko saka ginala ang paningin ko sa paligid.

Napakaganda at ang titingkad ng kulay ng mga bulaklak, mostly color blue.

"Ang gaganda, anong klaseng mga bulaklak yan?" turo ko sa flower na maayos na nakapatong sa table.

"Balloon flower, clematis, blue lady lenten rose and forget me not." nakangiting sagot nya habang tinuturo ang mga bulaklak na tinutukoy nya.

As I was mesmerized by that beautiful arrangements, may flowers na nakalagay sa bawat table na may table cloth na powder blue and white.

"Nice, ang galing mo naman..I'm impressed." Sabi ko, nakakabilib naman kasi. Ang bata pa nya pero pang professional na sya sa galing.

My Ex-boyfriend's girlWhere stories live. Discover now