Chapter 38

44.2K 853 46
                                    

Frances P.O.V.

Ang bilis ng araw...1 week na lang at ipagdiriwang ko na ang 18th birthday ko. Nakaayos na ang lahat mula sa malaki hanggang sa maliliit na detalye. Pati ang guest list nga preparado na.

Sayang nga lang at hindi na makakapunta sa birthday ko si Alexis, naikwento sa akin ni Louise ang nangyari sa kanilang dalawa ni Jayden..which is si Jace Chloe Lim pala sa totoong buhay.

Nagpalit siya ng pangalan para magtago sa ama nya na gusto syang ipakasal sa guy na hindi nya gusto. Nagulat nga ako ng narinig ko yun nangyari sa kanila, mula ng tumakas sila sa humahabol kay Jace hanggang makarating sila sa isang isla sa Batangas para magtago... grabe talaga parang pelikula ang nangyari sa kanila.

So anyway inihatid namin sa airport kahapon ang sobrang lungkot na si Alexis, panay ang hingi nya ng paumanhin sa akin dahil hindi nya na daw matatagal pa magstay dito sa Pinas kahit isang araw pa. Awang awa nga kami sa kanya lalo na ng napanood ko sa TV na ikakasal na pala si Jace sa doon sa guy na gusto ng father nya para sa kanya.

Naiyak nga din si Mine ko ng umalis na si Alexis, sobrang mamimiss nya daw ang pinsan nya na yun. Well, speaking of my Louise nasa province sya ngayon isinama ng Dad nya para puntahan ang business nila doon. Sabi kasi ng Dad nya after college ay siya na daw ang magmamanage nun kaya dapat ngayon pa lang ay alam nya na ang pasikot sikot sa negosyo nila.

Kaya nandito ako ngayon....got nothing to do. Super boring ng araw na ito, si Dad may pinuntahan seminar while si Mom naman ay nasa business trip, as usual. Mahirap din pala maging only child, walang makasama at makausap sa bahay. Ayoko naman istorbohin si Manang Lory dahil busy yun sa gawaing bahay.

Tinext ko na lang sina Tiff and Tracy kung nasaan sila ngayon, nagreply naman agad..nasa labas daw sila kasama ang family nila, may reunion daw sila.

Bigla ko tuloy namiss ang bessie ko na si Amanda, sana sya ang kasama kong lumabas para magshopping sa mall o manood ng sine.

Kagaya lang ng lagi namin ginagawa before.

Ano kaya kung puntahan ko sya sa bahay nila?

Biglang nagring ang phone ko.

Mine calling...

Nakangiti akong sinagot ang tawag ni Louise.

Me: Mine...miss na kita (pouting)

Louise: hi Mine...yeah I miss you too.

Me: Kailan ka ba babalik?

Louise: Haha Mine diba ilang beses ko na sinabi sayo sa susunod na araw.

Me: Ang tagal tagal naman kasi.

Louise: Saglit na lang yun, manood ka na lang ng movies dyan.

Me: Ang tagal pa nun kaya 2 tulog pa.

Louise: Just keep yourself busy Mine.

Me: Parang ikaw lang busyng busy dyan. Bagal mo magreply sa text ko.

Louise: Ikaw talaga, alam mo naman kung anong pinunta namin dito.

Me: Kahit na dapat may time ka pa din sa girlfriend mo.

Louise: Opo, wag ka na magtampo ok?

Me: ano pa nga ba?

Louise: I'll call you later mine, tawag na ako ni Dad. I love you...

Me: I love you too..

Pagkababa nya ng phone ay nakaramdam ako ng emptiness and loneliness, namimiss ko na si Louise agad. Para ilang oras pa lang kami nagkahiwalay ay sobrang nalulungkot na agad ako.

My Ex-boyfriend's girlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon