Chapter 35

49.1K 897 32
                                    

Frances P.O.V.

Late na kami nakatulog ni Louise kagabi kaya eto tanghali na kami nagising.

Paano ba naman pagkatapos ng masama kong panaginip ay hindi na ako ulit dinalaw ng antok, kaya si Mine ko pinilit na damayan ako sa pagpupuyat. Pareho na kami nagbihis kagabi kasi natakot ako na biglang magkatotoo yun panaginip ko na mahuli kami ng parents ko na hubo't hubad na magkatabi.

Kahit tamad pa ako bumangon ay napilitan na din ako, paano ba naman ay pinaulanan na ako ng text nina Migs at Amanda.

Kung hindi lang sa pangungulit nila ay mas gugustuhin ko pa matulog maghapon katabi si Louise. Speaking of her, ayun pa din sya tulog pa din sa kama. Kahit anong gising ko aba ayaw talagang bumangon..teka humihinga pa ba sya?

Nauna na ako naligo, paglabas ko ng bathroom ay naabutan ko sya nakaupo sa edge ng kama, tulala at parang inaantok pa.

"Hi Mine...gandang tanghali." nakasmile na bati ko, tumabi ako ng upo sa kanya bago ko sya hinalikan sa pisngi.

Tila gulat na napatingin sya sa akin. Natatawa naman ako sa itsura nya, gulo ang unat na buhok at medyo nangingitim pa ang paligid ng mata.

Nang tila naprocess na ng utak nya kung sino ako ay gumanti sya ng halik sa pisngi ko bago ngumiti din.

"Mine maligo ka na at mag toothbrush..bad breath ka pa eh." biro ko sa kanya na kunwari at tinakpan ko pa ang ilong ko.

Umasta naman syang inamoy ang hininga nya bago umasim ang mukha sa naamoy.

"Oo nga Mine may morning breath pa ako." sabi nya saka tumatayo, kumuha ng towel sa drawer at dumaretso na sa banyo.

Bumaba muna ako para tignan sa kusina kung ano ang niluto ni Manang Lory. Naabutan ko si Dad sa ibaba, nagbabasa ng dyaryo habang umiinom ng kape (as usual).

Saglit ako natigilan pagkakita sa kanya, bumalik sa alaala ko yun panaginip ko kagabi. Naging hesitant tuloy akong batiin sya. Pero napansin nya na ako bago pa ako makapasok sa kitchen.

"Oh iha tanghali ka na ata nagising?" sumulyap muna siya sa akin bago binalik ang tingin sa binabasa.

"Ahh Dad dito po kasi nagsleep over si Louise." kinakabahan kong sabi, ba't naman pla ako kakabahan? Guilty much?

"Ah ganun ba? O bat hindi mo pa yayaing bumaba para makakain na kayo?" tanong nya.

"Nasa bathroom lang po siya, bababa na din yun."

"Dad punta lang ako sa kitchen tatanungin ko lang si Manang Lory ano niluluto nya for lunch." nagpaalam muna ako bago pumunta ng kitchen.

Nakahinga ako ng maluwag pag alis ko sa dining area. Nasilip ko si Manang na nagluluto.

"Manang Lory, ano po ba niluluto nyo for lunch?" Tanong ko na ngayon ay nakatayo na ako malapit sa kanya.

Tumingin si Manang sa akin bago ngumiti "Ikaw pla yan señorita, nagluto ako ng spicy spare ribs at ginataang alimasag." sagot nya habang hinahalo ang niluluto sa kawali.

Ang sarap! Nagutom tuloy ako bigla. Nagpaalam ako kay Manang Lory bago ako bumalik sa dining area.

Nadatnan ko si Dad and si Louise na naguusap, mukhang nagkakatuwaan sa kwentuhan ang dalawa.

"What am I missing? Mukhang masaya ang pinaguusapan nyo ah?" sabi ko sa kanila habang tumabing umupo kay Louise. I held her hand under the table, ang lambot talaga ng kamay nya.

"Napag usapan lang namin ng mga bata pa kayo iha, naalala ko si Migs madalas na luhaang nagsusumbong sa amin ng Mommy mo dahil lagi daw natatalo sa jack en poy nila ni Louise." si Dad tuwang tuwa.

My Ex-boyfriend's girlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon