Chapter 32

49.6K 972 58
                                    

Louise P.O.V.

Dilim...yun lang ang nakikita ko..

"Nasaan ako?" nakakapagtaka...ang huling naaalala ko ay inihinarang ko ang katawan ko sa bala na pinutok ni Leila kay Frances...my Frances. Nasaan kaya siya? Ok lang kaya siya? Sana ok lang siya...

Maya maya pa ay naramdaman ko na nahuhulog ako sa isang malaking butas, walang katapusang pagkahulog...pero wala pa din ako makita kung hindi kadiliman, wala din ako maramdaman kahit ano. Walang sakit, walang pagkalungkot....Somehow I felt serenity and peacefulness.

Parang gusto ko na dito..pero wala naman ako ibang makita bukod sa kadiliman..

Nang may naririnig akong umiiyak, lumingon ako pero wala akong nakita dahil madilim ang paligid ko..patuloy ang pag iyak ng tinig na yun. Sino kaya yun?

Naramdaman ko may pumisil ng kamay ko pero wala pa din ako makita.. pamilyar ang malambot na kamay na yun kahit hindi ko nakikita.

"I love you Louise I can't wait na gumising at makasama na kita ulit." ang sabi ng tinig..kilala ko ang boses na yun, mala anghel na tinig ng babaeng mahal ko..si Frances.

Napangiti ako..mahal na mahal ko si Frances, kahit hanggang kamatayan sya lang ang mamahalin ko, wala ng iba pa.

Nang may mapansin akong maliit na liwanag sa malayo...Pagkatapos nun ay naglalakad ako..pabilis ng pabilis..lakad takbo ang ginawa ko papunta sa liwanag... Halos abot kamay ko na ang liwanag na yun..hindi ako tumigil sa pagtakbo hanggang marating ko ang liwanag.

Pinilit ko idilat ang mga mata ko..mahapdi..masakit sa mata..

"Nasaan ako?" Ginala ko ang paningin ko. Puro puti ang nakikita ko sa paligid.

"Nasa langit na ba ako?" iginala ko pa ulit ang paningin ko nang napansin ko ang isang pigura ng babae na natutulog sa tabi ko. Hindi ko makita ang mukha nya kasi nakayuko siya at nakatakip ang mahaba nyang buhok sa mukha nya.

Pinilit ko abutin ang buhok ng babae sa tabi ko. Napansin ko na medyo nagigising na sya...inangat ang mukha nya mula sa kama at kinusot ang mata nya..

Si Frances..

"Louise?....Mine?" Gulat na gulat na sabi nya ng mahimasmasan, her eyes went wide ng makita nya nakamulat na ako. May luhang unti unting lumabas sa mga mata nya.

"Louise......" mahigpit nya hinawakan ang kamay ko habang umiiyak. May Pumasok din na mga tao sa kwarto, isa na tingin ko ay ang nurse at isa ay doktor.

Mabilis silang lumapit sakin bago may kung ano ano ang ginawa sakin, checking my vitals or something. all these time hindi ko inaalis ang tingin ko kay Frances...how I really really missed her.

Her beautiful face especially her piercing brown eyes.. napansin ko ang itsura nya now medyo namayat ata siya at may itim sa paligid ng mata nya, halatang kulang sa tulog... but nevertheless, siya pa din ang maganda kong si Frances.

Nang matiyak na ok na ang kalagayan ko ay lumabas na din ang nurse at doktor.

May sumunod ulit na pumasok na mga tao sa room ko..namukhaaan ko si Dad..sina Amanda, Tiff, Tracy, Enzo and Nathan. Lahat sila nakangiting lumapit sa akin..mukhang masaya din sila at nagising na ako.

"Louise...anak." si Dad habang naiiyak na lumapit sa akin..dahan dahan nya ako niyakap..ngumiti ako sa kanya.

Halatang wala din masyadong tulog si Dad pero nakahinga sya ng maluwag ng makitang gising na ako ngayon.

"We're glad na nagising ka na...almost a month ka din unconscious." si Amanda habang nakatingin sa akin bago tumingin kay Frances na nasa tabi ko pa din at nakahawak sa kamay ko.

My Ex-boyfriend's girlUnde poveștirile trăiesc. Descoperă acum