Chapter 41

41.1K 802 206
                                    

Frances P.O.V.

"Frances please wake up." narinig kong may bumulong sa tenga ko. Dahil dito ay pinilit ko iminulat ang mga mata ko.

"Louise..." mukha ng nag aalalang si Louise ang nabungaran ko. Nakahiga ako sa kama sa kwarto ko habang nakaupo sya sa tabi ko at nakahawak sa kamay ko.

Napansin ko na nakatayo din sa hindi kalayuan sina Mom and Dad, mabilis silang lumapit sa akin ng nakitang nagising na ako.

"Anak ok ka na ba?" tanong ng nagaalalang si Mommy habang si Dad ay halata din ang pag aalala sa itsura nya.

Tumango ako "Ok lang po." sagot ko saka sumulyap ako kay Dad.

Biglang pumasok sa isip ko yun nangyari kanina "Dad nasaan na si Migs? Panaginip ko lang ba yun nangyari?"

Malungkot na umiling si Dad "Totoo ang nangyari kanina anak, nasa hospital na ngayon si Migs at ginagamot na ng mga doctor."

Pinilit ko maupo "Dad kailangan puntahan natin siya." hindi ko mapigilan mag alala. Magkahalong guilt at lungkot ang nararamdaman ko.

Hindi ako matatahimik hangga't hindi ko alam kung nakaligtas ba sya. Dahil sa akin kaya siya nakaaksidente, dahil nalaman nya ang totoo.

"Pahinga ka muna Frances.." narinig kong sabi ni Louise.

Humarap ako sa kanya "You don't understand, kailangang malaman ko kung ano na ang kalagayan nya!" sabi ko saka nagbadya ang luha sa mga mata ko.

"Naiintindihan ko..." saka nya ako hinawakan sa kamay.

"Anak tama si Louise, dito ka muna sa bahay. Kami na lang ng Dad mo ang pupunta ng hospital para malaman ang kalagayan ni Migs." sang ayon ni Mommy kay Louise.

"Mommy please.." tuluyan ng tumulo ang luha ko, pinahid ko ito. "Sasama po ako kahit ayaw nyo." matigas na sagot ko.

"Ok ok sige anak, pero magbihis ka muna." final na sagot ni Dad kaya wala na din nagawa si Mommy at Louise.

"Tara sa baba na tayo maghintay." sabi ni Mommy kay Dad saka na sila sabay na lumabas ng kwarto.

Pagkaalis nila ay isinara ni Louise ang pinto saka lumapit sa akin "Mine hindi mo kasalanan ang nangyari."

"No Mine, kasalanan ko ang lahat. Ako ang dahilan kaya sya tumakbo...kaya sa nabangga." I really felt guilty, hindi ko alam kung mapapatawad ko pa ang sarili ko kapag may nangyari hindi maganda kay Migs.

Hinila ako ni Louise at saka niyakap ng mahigpit, umiyak ako sa balikat nya habang nakayakap din sa kanya ng mahigpit.

Pagkatapos ng ilang minuto ay medyo nakalma na ako, pumunta ako ng bathroom saka naghilamos pagkatapos ay hinubad ko yun gown ko saka nagpalit ng jeans at shirt. Inabutan ko din si Louise ng damit para makapagpalit din sya.

"Tara na Mine." baling ko kay Louise, tumayo na sya at saka sumunod sa akin para bumaba.

Naghihintay sa amin sina Mom and Dad sa may living room. Pagkakita sa amin ay tumayo na sila saka naglakad palabas.

Pinagbuksan kami ng driver ng pinto saka kami sumakay sa Van.

Tahimik lang kaming lahat habang nasa byahe, minsan ay sumulyap sa akin si Louise at pinipisil ang kamay ko.

Pagdating sa hospital ay sabay sabay na kaming bumaba, pagpasok sa hospital ay nakita namin ang parents ni Migs na naghihintay sa may hallway.

Nasa operating room pa daw si Migs. Yumakap sa akin ang mother ni Migs habang umiiyak, nakadama ako ng awa sa kanya at hindi maiwasang maguilty na naman.

My Ex-boyfriend's girlWhere stories live. Discover now