Chapter 9

61.9K 1.4K 223
                                    

Frances P.O.V.

Paggising ko kinaumagahan, magaan ang pakiramdamm ko. Excited ako pumasok...kung bakit? Yun ay isang malaking sikreto.

Pagkatapos ko magbihis at magspray ng cologne (ang fave ko lovespell ng Victoria's secret) ay masaya na akong bumaba.

After a very very long time, sabay ko ulit nakita sina Mom and Dad sa dining table at nag aagahan. My Dad was reading a news paper, habang si mom may kausap sa cellphone, I'm sure business related na naman.

Napansin agad ni Dad ang maganda kong mood "Aba mukhang maganda ang gising ng paboritong anak ko ah?" saglit itong tumingin.

"Haha dad funny, nagiisang anak mo lang naman po ako eh." natatawa kong sabi habang ngumunguya ng hotdog.

Bigla akong napatigil sa pagnguya at napapatitig kay Dad ng seryoso "Unless....." pati si Mom na busy sa cellphone ay bigla napatigil at napatingin sa kanya.

"Oh no no, mali ang iniisip mo anak. Ikaw lang ang unica iha ko." pagputol nya sa sinasabi ko, habang binaba na ang binabasang dyaryo saka tinaas ang dalawang kamay na parang sumusuko.

"Got yah dad, binibiro lang din kita." nakangiti ko na sagot sa kanya.

Ganyan kami ni Dad. Super close, madalas kami nagbibiruan kahit sa maliliit na bagay. Sa kanilang dalawa ni Mom sa kanya ako mas close, nalulungkot lang ako now kasi mula ng maging Mayor ng lugar namin ay lalo na sya naging busy sa engagements nya at nawalan na ng oras sa akin.

"Frances iha, sa sunday pala sasama ka samin ng Dad mo papunta ng birthday ni Governor (also known as my uncle, my dad's cousin). I'ts a dinner party kaya bumili ka ng dress na isusuot mo later sa mall." si Mom yun, hindi ko napansin na wala na pala sya kausap sa cellphone.

Napabuntong hininga ako, hindi kasi ako umattend ng ganung klaseng party. So formal and boring. Kaso wala ako magagawa, as Mayor's only daughter obligado ako sumama. Naisip ko na lang na for sure invited din ang pamilya ng mga friends ko kaya kahit paano ay ok na din sakin..and of course Migs' family will also be there.

Ang mga Lavapiez kaya?

"Ok Mom..." pilit na ngiti ko sabi. Parang bigla nawala ang good mood ko kanina paggising.

"Mom, Dad aalis na po ako." sabay tayo at kiss ko sa kanila dalawa.

Nang nasa van na ako I texted Amanda, I told her na sabay na kami bumili ng dress later sa mall. Nagreply lang sya ng ok.

Pagbaba ng van at pagkapasok ko sa gate ng school, parang narinig ko ang malakas na tawa ni Migs, dagli dagli ko hinanap ang pinanggalingan ng boses.

Bigla nawala ang magandang mood ko na kasulukayan pa lang bumabalik ng nakakita ako ng hindi magandang tanawin.

Napansin ko sa isang medyo tagong parte ng school sa isang bench ay magkatabing nakaupo sina Migs at Louise at mukhang seryosong naguusap.

Nag init ang ulo ko dahil super close ng katawan nila animo nagbubulungan.

Bilang natural na chismosa, dahan dahan akong lumapit sa pwesto nila. Sinigurado kong hindi nila ako makikita o mapapansin man lang na may nagmamanman sa kanila.

Nagtago ako sa may halamanan habang nag ala ninja sa paglalakad. Kung may makakakita sa itsura ko now ay siguradong matatawa, imagine, me the great Frances Montejar, mahuhuling nagaala ninja sa pagiispy.... nakakahiya diba.

Buti na lang wala masyado tao parte na yun ng eskwelahan.

Kaso sa distansya ko sa kanila ay wala pa din ako marinig na kahit ano, kasi nga nagbubulungan. Mga walang hiya.

My Ex-boyfriend's girlOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz