May biglang lumitaw na alaala sa akin matapos kong marinig ang mga huling sinabi ni Manang Pising.

"Manang, mukhang alam ko na po kung sino ang nagnanakaw sa lugar ninyo."

"Ha? Sino? At sigurado ka ba d'yan, Monique?"

Isa-isa kong kiniwento kay Manang Pising ang naging usapan ng mga lalaking narinig ko do'n sa may batis bago pa ako nakita ni Eros.

"Malakas po ang pakiramdam ko na sila ang nagnanakaw ng mga ari-arian n'yo sa isla."

"Nako! Kung gayon pala ay dapat malaman ni senyorito ang tungkol dito!"

"HOW CAN reassure that you're telling me the truth?" punong-puno ng pagdududa na tanong ni Eros. "You failed me so many times already. What make this a difference?"

"Wala akong sinabi na maniwala ka sa mga sinasabi ko," inis din na sagot ko. "Ang akin lang, nagbabahagi lang ako ng impormasyon. Dapat ba lahat ng bagay na gagawin ko ay mamasamain mo?"

"I'm still suspicious about you, Monique. So, don't be too proud on me," sabi niya na may kasamang pagbabanta bago ito napatingin kay Manang Pising. "We can't believe everything this woman say. Pero para makasiguro, magroronda na rin ako mamayang gabi sa isla."

"Gabi?" kunot-noong ulit ko. "Akala ko ba delikado ang lugar na 'to? Bakit gabi mo naisip maghanap? Bakit hindi na lang ngayon? Malay mo hindi pa sila nakakalayo sa isla?"

"It is... for you," madiin na sagot nito. "But this is my place. And even with my eyes close, I know where to search."

"Mayabang ka rin talaga ano?" Nakita ko ang sandaling gulat sa mukha niya dahil sa hindi inaasahang sagot ko sa kanya.

Parang gulat na gulat pa siya na may nagsabi sa kanya na mayabang at parang ngayon niya lang yata narinig ang salita na 'yon sa tanang-buhay niya.

Ang arogante talaga! sa isip ko na lang saka nagpatuloy sa mga sinasabi ko.

"Hindi mo alam kung ilang tao ang gusto mong hanapin tapos gusto mo silang hanapin ng mag-isa? Sa gabi? Nababaliw ka na ba?"

"I should be the one asking you that..." walang latoy na sabi nito.

"Sasama ako sa'yo."

"What?"

"Narinig mo ko. Sasama ako," pag-uulit ko saka napahalukipkip. "At para matapos na rin ang lahat ng mga maduduming bagay na tumatakbo d'yan sa utak mo sa akin. Isa pa, gusto kong makita na mapahiya ka dahil sa mga maling hinala mo at gusto kong marinig ang mga sorry mo."

"Do you ever think that I will say sorry as easy as that, woman?"

"Bakit? Sobrang laki na ba talaga ng ego mo at pati paghingi ng tawad sa ibang tao ay hindi mo na magawa?"

"And what if I was right all along?" naghahamong tanong niya. "If you're that confident enough, then, you must have a big gut to stay imprison on this part of island for the rest of your life."

Napasinghap ako do'n sa huling sinabi niya bago ko nabawi ang sarili ko mula sa pagkagulat.

"Alam mo bang ilegal 'tong ginagawa mo, ha?!" hindi makapaniwalang sabi ko.

"This is my place. And you're trespassing. So, I make the rules here. I decide what's illegal or not."

May isang bahagi ng isip ko ang nagsusumigaw na huwag na akong makipagtalo pa sa tao na 'to dahil hindi ang isang gaya niya ang basta-basta mapapasuko ng gano'n-gano'n lang.

At gano'n din naman ako.

Monica Eliz Romualdez is not a quitter. Nasa elementary pa nga lang yata ako ay pinanganak na akong competitive. Hindi rin mabilis mapasuko ang isang gaya ko. Kaya nga kahit mga magulang ko ay napapasuko ko sa katigasan ng ulo ko.

Breaking the Rules (Mondragon Series #3)Where stories live. Discover now