"Why did you do that?" I said as I glared at him but he just kept his smile that made me irritate more.

"So I could be your P.E for exchange." This person is insane.

"Sabi ko na tutulungan ko sila kapag nag-resign si Senon sa pagiging P.E mo at kung 'di siya magreresign ay mas lalo silang babagsak at kung mas malala ay mababankrupt pa sila." Pagpapatuloy niya. Alam kong minsan lang akong magmura at manakit pero 'di ko na talaga kaya ang mga pinaggagawa niya.

"You Jerk!" At sabay suntok ko dito sa pisngi niya, hindi man ako maskulado pero malakas din ako manuntok lalo na pag 'di na ako makapagtimpi at rinig ko rin ang pagkagulat ng mga customer dito sa loob kaya naman lumabas na ako.

At sa paglabas kong iyon ay hindi ko inaasahan na may nakaabang pala sa aking peligro dahil sa may isang tao ang humawak sa akin ng mahigpit at nilagyan ng panyo ang ilong ko at mukhang pinapatulog ako nito kaya ang ginawa ko ay hindi muna ako huminga at sinusubukan kong manlaban at halata ko rin na lagi ata itong nasa Gym kasi halata ko sa katawan nito.

Maya-maya lang ay hindi ko na kayang huminga kaya wala na akong nagawa at bago ako mawalan ng malay ay sinamaan ko ng tingin ang taong nasa harap ko na todo makangiti. Dave.

Vienne's PoV

Magkaharapan kami ngayon ni Yura dahil sa pinag-uusapan namin ang ginawa niya.

"Yura bakit?" Tanong ko dito ng nakakunot noo at kita ko rin na umiwas siya ng tingin.

"K-kasi a-akala ko magagalit ka eh." Napabuntong hininga naman ako sa sinabi niya.

"Kailan pa ako nagalit sayo?" Tanong ko dito. Tinignan ko siyang mabuti at parang inaalala kung kailan ako nagalit sa kaniya.

"H-hindi pa." Yes, never pa akong nagalit kay Yura sapagkat pag gagawin ko yun ay nawawala dahil ang cute niya kasi pagpaiyak na at ayaw ko rin siyang nakikitang umiyak kaya never pa akong nagagalit dito.

"See? Payag naman ako eh basta nagpaalam kalang, tapos inistorbo mo pa si Kuya Yukki, malay mo bang may mahalaga din siyang gagawin hindi ba?" Tumayo ako at niyakap si Yura reassuring her na hindi ako galit.

"Just don't do that again 'kay?" At tumango siya ng dahan dahan, kiniss ko ang ulo niya at napangiti.

Nasa ganung sitwasyon pa sana kami ng may umistorbo dahil tumunog lamang ang cellphone ko meaning may tumatawag.

"Istorbo." Sabi ko sabay kawala sa yakap ko kay Yura at rinig ko ring napatawa siya ng mahina.

Kinuha ko ang cellphone ko at pagtingin ko ay si Senon ang tumatawag.

"Himala." Sabi ko bago ko sagutin ang tawag.

"Oh, Senon? Himala at napatawag ka ah."

'Ah eh, oo nga eh, busy lang kasi.' Busy? Saan naman siya busy? Hindi kaya dahil nageedit siya?

"Saan ka naman busy?" Tanong ko dito at rinig ko ang pagbuntong hininga niya sa kabilang linya.

'Sa kompanya Vienne eh.' Napa 'oh?' Naman ako sa sinabi niya.

"Ikaw na nagpapatakbo?"

'Ah, oo kailangan eh..uhm Vienne?'

"Bakit?"

'Pwede ba tayong magkita?'

"Ha? Bakit naman?" Nagtatakang tanong ko dito.

'Basta, pwede ba?' At dahil sa wala na akong magawa ay pumayag na ako. Pero naalala ko ang sinabi niya kanina na 'ah, oo kailangan eh' alam ko naman na kahit anong pagpapapumilit ng Dad niya na siya nalang ang mag-handle ng kompanya nila ay hindi talaga siya papayag, pero anong ibig sabihin nito?

PretendWhere stories live. Discover now