5 | Week 1: 1.1 Entangled

62 22 0
                                    

Wakato at multimedia
•••

Si Wakato Nagi ay isang binatilyong hindi pa kailanman nagka-girlfriend sa kabila ng kanyang cute at mala-inosenteng mukha. Wala siyang alam pagdating sa pagmamahal at maging sa panliligaw dahil ni minsan ay hindi pa siya nai-inlove. Katunayan ay bago lang din sa kanyang pakiramdam ang nadama niya kanina nang makita niya ang hindi niya pa kilalang si Yawne.

Matalik na kaibigan ni Wakato si Mitsuzaki na kasundo niya sa lahat na bagay maging sa kalokohan man o basag-ulo. Pareho kasi silang lumaki sa hiwalay na pamilya. Sa likod nito ay lumaki siyang uhaw sa pagmamahal ng kanyang mga magulang dahil bukod sa hiwalay ang mga ito ay si Ashine pa ang paborito sa kanilang magkapatid. Sa bawat birthday ni Ashine o anumang school activity na sinasalihan niya ay walang pinapalampas ang daddy nila samantalang siya ay hindi man lang maalalang kamustahin. Pati ang kanilang ina ay hindi pantay ang pagtingin sa kanila. Pagdating sa pera ay maluwag na maluwag iyon kay Ashine habang siya ay tila pinagdadamutan. Kung anuman ang dahilan meron sa likod nito ay nananatili pang misteryo kay Wakato hanggang sa ngayon.

Samantala, papalapit na rin sina Mitsuzaki, Ashine, Yawne, Fujiero at iba pa sa training house nang makita nila si Wakato na natataranta palabas at tila ba napapraning. Tulirong-tuliro ang hitsura nito na tumatakbo palabas ng Training House...

"Hoy! Wakato! Magpaliwanag ka nga! Bakit mo ba ginawa 'yun?" Galit na sigaw ni Ashine sa kapatid na hindi man lang siya nilingon.

Nakita naman nina Yawne at Fujiero ang kakaibang ekspresyon sa namumulang mukha ni Wakato kanina. Pumasok si Yawne sa banyo upang alamin sa kapatid kung tama nga ba ang kanyang hinala. Si Fujiero naman ay sa loob lang ng training house nanatili.

"Ano bang nangyari kanina? Ba't nagkagano'n 'yun?" Tanong ni Yawne sa kapatid.

"Nakita niya ang - ang katawan ko!" Direktang sagot ni Zaimra sa kanya.

Sa narinig ni Fujiero ay nakadama siya ng selos at guilt. Hindi niya rin maiwasang sisihin ang sarili. Kung pinalitan niya sana ng bubong ang training house bago pa magpasukan ay hindi na sana ito nangyari pa kay Zaimira. Sana pala ay nakinig na lang siya kay Yawne.

Samantala, sa loob ng banyo ay hindi agad nakakibo si Yawne sa sinabi ng kapatid. Pero mula pa lang ng makasalubong nila ang binatilong si Wakato na hindi pa nila kilala ay mukhang kinutuban na nga sya na gano'n ang nangyari at hindi nga sya nagkamali.

"Okey ka lang ba?" Nag-aalalang tanong nito kay Zaimira.

"Mmm?" Parang napa-isip pa siya bago sumagot. "Oo, okey lang ako ate." Tanging nasabi niya.

"Wala naman syang ibang ginawa sa'yo?"

"Wala." Tipid na sagot nito at umiling pa. "Ako nga ang may ginawa sa kanya eh. Hehe!"

"Sige, magbihis kana agad at ng makauwi na tayo."

"Sige ate."

Volume 1: Perfectly Entangled (Kanzen Ni Motsure): The Curse Of Katana Series  जहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें