24 | Week 2: 2.2 Conflict and Bully

158 72 20
                                    


Ashine Nagi at multimedia. The center of bully in the story.

***


5:30 PM, ang Karate Club Training House ay puno na ulit ng mga estudyante - mga estudyanteng nagbabaka-sakali na maging miyembro ng Karate Club at umaasang maipapasa nila ang preliminary elimination.


"Magandang hapon sainyong lahat!" Bati ni Fujiero sa mga trainee na nakaupo sa malinis na sahig.

"Magandang hapon din, Grand Master!" Tugong ng mga Trainees.

"Hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa. Simulan na natin ngayon ang elimination! Magbibigay kami sainyo ng isang-kapat na papel at isulat nyo doon ang inyong sagot. Ano nga ba talaga ang dapat ninyong makita 'pag tapos na kayong magmeditate?" Sabi ni Fujiero sa lahat ng trainees.

Sinimulan na nga ng mga Karate Club member ang pagdi-distribute ng mga papel sa unahan.

"Bibigyan ko kayo ng tatlong minuto para sumagot at pagkatapos, ipasa n'yo na ang inyong papel sa unahan. 'Wag nyo ring kakalimutang isulat doon ang inyong pangalan." Nakangisi niyang sabi sa lahat.

"Hay... Pinaalala niya pa talaga!" Bulong ni Sheichiri matapos maisip nang minsang makalimutan niyang isulat ang kanyang pangalan sa isang subject sa Pre-test.

"Dito masusubok ang inyong kahandaan para sa iba pang mga basic ng Karate. Sinumang hindi makakuha ng tamang sagot, magpasensiyahan na lang tayo, dahil hindi na kayo magpapatuloy pa. Simple lang naman ang tanong at kung hindi nyo talaga masagot nang tama iyon, nangangahulugan lang na hindi talaga kayo inclined sa Karate at malaya na kayong makakapili ng ibang masasalihang club." Dugtong pa ni Fujiero.

At pagkatapos ay sumenyas na si Yawne ng approve o thumb's up sa likuran ng mga trainee. Nangangahulugan na lahat ay nabigyan na ng papel.

"Timer starts now!" Sabi ni Fujiero sa lahat.

Sa bawat pagpitik ng oras sa kani-kanilang relo ay tila kasabay din nito ang malakas na kabog sa dibdib ng bawat trainee na hindi nakakasigurado sa kanilang sagot. Gayunpaman, dahil alam nilang maikli lang ang tatlong minuto ay hindi na sila nagpatumpik-tumpik pa na isulat kung ano man ang kanilang pinal na sagot.

Volume 1: Perfectly Entangled (Kanzen Ni Motsure): The Curse Of Katana Series  Where stories live. Discover now