Week 2: 2.6 The Neighbor

100 27 0
                                    

Anika Walter at multimedia - Neighbor of Fujiero.

***

8:15 AM ay naunang bumaba si Fujiero sa Mt. Kumotori. Tahimik pa rin siya kagaya ng dati pero pansin ng matatalik niyang kaibigan ang kakaibang mood niya ngayon dahil sa nakabusangot niyang mukha. Dumiretso siya paakyat sa isang bus at naupo siya sa bakanteng upuan sa unahan katabi ng driver.







"Ano kaya ang problema ng isang 'yon?" Tanong ni Yunjiro kay Yawne matapos na hindi man lang sila hinintay ni Fujiero para sabay-sabay ng umakyat sa bus.

"Parang kanina pa 'yan ganyan. Napansin mo rin pala?"

"Oo. Kaninang umaga pa. Mula siguro ng gumising siya, bad trip na!"







At sumunod naman silang dalawa sa bus na pinuntahan ni Fujiero. Pagdating sa loob ay magkatabing naupo si Yunjiro at Yawne sa gawing unahan. Matapos iyon ay binuksan ni Yawne ang kanyang bag saka kumuha ng malaking pack ng junk foods habang hinihintay nila na mag 8:30 at makasakay pa ang iba nilang kasamahan. Inalok niya ng pagkain si Yunjiro at maging ang nakasimangot na si Fujiero.









"Ayoko." Matipid na sabi ni Fujiero at sumenyas pa ng kaliwa niyang kamay sa iniaabot sa kanyang pagkain.

"May problema ba?"

"Hindi. 'Wag n'yo na lang akong pansinin." Tanggi nito.

"Okay. Total pare-pareho naman tayong pagod. Matulog na lang tayo sa gitna ng byahe." Wika niya at naupo na muli katabi ni Yunjiro.







Sunod namang umakyat sa parehong bus ang computer hacker na si Yureka Hanabishi. Naupo rin siya sag awing unahan katapat ni Yunjiro at Yawne. Nang makapwesto na ay binuksan niya naman ang kanyang bag at maging ang kanyang laptop.






"Hay! Sa wakas! Maipagpapatuloy ko na rin 'to!" Wika ni Yureka habang suot ang makapal na eyeglass at nakaharap na sa laptop.

"Teka, sigurado ka bang komportable ka talagang ipagpatuloy 'yan kahit nasa gitna pa ng byahe?" Tanong ni Yawne sa kanya na concern din sa kapakanan ng kapwa niya master.

"Oo! Total kahapon inumpisahan ko naman 'to habang nagbabyahe naman tayo papunta dito!"

"Hay... Mabuti na lang talaga at hindi pa nasisira ang mga mata mo."

"Syempre!" Sagot niya kay Yawne. "Ah, nga pala, Fujiero, kung sakali bang hindi ko ito matapos kaagad, baka pwede namang ipagpatuloy ko na lang sa bahay mo?" Tanong niya naman habang nakatingin sa nakatalikod na Grand Master.

Volume 1: Perfectly Entangled (Kanzen Ni Motsure): The Curse Of Katana Series  Where stories live. Discover now