3 | Week 1: 1.1 Cross Path

88 23 0
                                    

Miako at multimedia
•••

Samantala, sa mga first yr. naman ay panay-bulungan at kwentuhan ang ibang estudyante habang isa-isa silang nagpapakilala sa unahan ng klase.

"Hay, ang malas naman! Hindi man lang natin nakaklase kahit alin dun sa dalawa." Sabi ni Nayouki sa kanyang mga kaibigan

"Oo nga. Saang section kaya sila napunta? Si Mitsuzaki siguradong first year din 'yun." Sabi naman ni Kasumi.

"Sana pala hindi ko na lang ginalingan sa entrance exam." Wika naman ni Yauro. Ang mga section kasi sa Aeoua ay naka-alphabetically arrange base sa kanilang academic ranking.

"Hi! Ako nga pala si Zaimira Azikawa, 16 yrs.old. Galing ako sa Doshisha Kori Junior & Senior High School." Matipid niyang pagpapakilalasa unahan na tila nahihiya. Namangha naman sa kanya ang ibang mga kaklase at ang kanilang guro dahil batid nilang lahat kung ga'no kaganda ang eskwelahang 'yon.

"Teka, 'yung susunod kay Zaimira, siya 'yung girlfriend ni Mitsuzaki!" Agad na sabi ni Kasumi sa dalawang katabi.

"Talaga?" Tanong ni Nayouki.

Tumayo naman si Miako at pumunta rin sa harapan ng klase. "Hello sainyo! Ang pangalan ko ay Miako Kirihara. Galing din ako sa DoshishaKori Junior& Senior High School. Ikinagagalak kong makilala kayong lahat!" Pakilala niya sa lahat at pagkatapos ay ngumiti pa siya bago umupo.

"Sigurado ka bang siya ang girlfriend ni Mitsuzaki? Eh bakit parang simple lang ang ganda?" Bulong ni Yauro kay Kasumi na may halong pagdududa.

"Oo. Siya talaga 'yun! Sigurado ako. Kahit sa ibang eskwelahan siya nag- Junior High, madalas naman naming makita ng mga kaklase ko na siya ang laging kasama at ka-date ni Mitsuzaki." Sagot nito.

"Talaga? Ang swerte naman niya! Ano kayang nagustuhan sa kanya ni Mitsuzaki?"

"Ang totoo simple lang talaga ang ganda ni Miako. Pero 'wag ka, bonggang- bongga siya 'pag naaayusan! Marami na siyang pinanalong beauty titles. Kaya nga siguro hindi lang crown ang nasungkit niya kundi pati na rin ang pagtingin ni Mitsuzaki."

Volume 1: Perfectly Entangled (Kanzen Ni Motsure): The Curse Of Katana Series  Where stories live. Discover now