18 | Week 2: 2.1 Dare With The Devil 1

161 84 35
                                    

Dedicated to KymesRine

Seiji Sawada and Kheeyan Okazami at Multimedia.

****

Ala una ng hapon kaya papasok na ang mga estudyante at si Sheichiro sa kanilang room nang mapansin niyang nakatayong mag-isa si Ashine sa hallway sa may bintana. Linapitan niya ito habang pangisi-ngisi siya sa dalaga.

"Naparito ka ba para tuparin ang napagkasunduan natin?" tanong niya sa dalaga.

"Oo," nakasimangot na tugon ni Ashine sa kaniya.

"Magaling! Kung gano'n, ihanda mo na ang iyong sarili. Pasok na sa loob," mayabang niyang utos dito na sinunod naman ng dalaga.

Pagpasok ni Ashine sa loob ng room ng mga hindi niya kilalang estudyante, ay hiyang-hiya siya sa sarili at nakayuko pa siya kung maglakad. Pakiramdam niya ay piangtitinginan siya ng lahat at asiwang-asiwa siya sa mga ito. Bagay na naramdaman niya rin ng husto nang ipagkalat ni Sheichiro ang kaniyang diary. Pero ang totoo, iilan lang ngayon ang nakapansin kay Ashine dahil may mga kasabay din siya pagpasok at nasa likod pa siya ni Sheichiro. Ngunit nang papaupo na sila at dumaan sa harapan ni Yunjiro, Fujiero at Yawne ay napansin ng mga ito at ng iba pa na hindi nila kaklase ang babae. Gayunpaman, pinagmasdan lang nila ito at wala sa kanilang nagtanong.

"Ayako, p'wede bang sa likod ka muna maupo?" tanong ni Sheichiro sa katabing si Ayako, na nasa gawing kaliwa nakaupo malapit sa dingding at bintana.

Ang pagkasunud-sunod kasi ng upuan nila buhat kay Ayako, ay si Sheichiro, Akira, Yawne, Fujiero, Yunjiro at iba pa.

"Ha? Ako? Pero bakit?" tanong niya na tila ayaw mapalayo kay Sheichiro.

"Basta, sa likod ka muna sa ngayon."

"O-Oh sige.. Basta ngayon lang ha?"

"Oo."

Nang makaalis ito at lumipat sa bakanteng upuan sa likod-katabi ni Minami, ay naupo na si Ashine sa tabi ni Sheichiro.

"Ano ba 'yon? Sino ba ang babaeng 'yan?" bulong ni Minami kay Ayako.

"Ewan ko. Hindi ko rin kilala. Baka bago nating kaklase."


Samantala, sa gawing unahan na linya ng upuan ay doon naman nakaupo sina Kisuki at ang kaniyang mga kaibigan. Nang umabot din sa kanila ang bulung-bulungan tungkol sa umano'y bagong kaklase ay napatingin din sila kay Ashine.

"Sandali, naaalala niyo ba kung sino ang babaeng 'yan?" tanong ni Kisuki sa kaibigan na narinig naman ni Ashine.

Nang mamukhaan din ni Ashine na ang mga ito ang minsang nagtanong sa kaniya kung siya ang hinalikan ni Sheichiro, ay nakadama siya ng matinding kaba sa dibdib. Hinawi niya ang kanyang buhok na nahahati sa gitna para kahit paano ay matakpan ang kaniyang mukha.

"Oo! Siya 'yong babaeng hinalikan ni Sheichiro noon, hindi ba?" bulong ni Megumi

"Siya nga," segunda ni Kisuki sa kaniya.

Sa pagpasok ng kanilang Arts Teacher ay nag-umpisa ng magsitahimik ang lahat. Hanggang sa tumayo na nga ito sa unahan at nag-umpisa ng magtalakay sa klase nang hindi napapansin si Ashine.

"Sheichiro, ipakita mo naman sa'kin kung dala mo nga 'yong mga photo album ko, oh?" bulong ni Ashine sa kaniya.

"Mamaya na. Wala ka pa ngang nasusulat d'yan eh!" Iyon ay matapos niyang ibigay dito ang kaniyang notebook.

Volume 1: Perfectly Entangled (Kanzen Ni Motsure): The Curse Of Katana Series  Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ