20 | Week 2: 2.1 Dare With The Devil 3

161 83 50
                                    

Zaimira Azikawa at multimedia. The darling princess in the story.

continuation...

•••

Sa puntong ito ay si Fujiero naman ang agad na nagsalita. Hindi niya maipaliwanag sa sarili kung bakit niya naisipang gawin 'yon, at kung bakit siya nababahala sa pagkakaroon ng kaklaseng katulad niya ring henyo.



"As you can see, the head of the virgin is depicted against a giant sunflower head made of stones which are arranged in spirals."

"I got it!" sagot ni Ryota na nalinawan na kaya siya naupo.

"In addition to that, a part from paintings, architectural dimensions of the Greek Parthenon, pyramids of Egypt and even UN Building in New York all possessed PHI. Even in music, PHI appeared in the organizational structure of Mozart's sonatas, Beethoven's Fifth Symphony and as well as works of Debussy," paglalahat-lahat niya na tila wala ng itinira para sabihin ni Sheichiro o ng kanilang guro.



Napapalakpak naman agad si Mr. Takeda at maging ang buong klase. Si Sheichiro ay nakadama ng kaunting inggit at pagkaasar.



"Very well said, Mr. Ichikawa and Mr. Makihara. I have nothing more to add," saad ng kanilang guro saka naupo ang dalawang henyo.

Pasalamat naman si Sheichiro na pinuri din siya. Kung sa bagay ay halos pantay lang naman ang ipinakita nilang kahusayan, kaya marapat lamang na pareho silang tumanggap ng papuri at kilalanin.



"Kung kasing talino niyo lang sana ang halos lahat na mga kaklase ninyo, aba'y hindi ko na siguro kailangan pang gumawa ng midterm of final exam, dahil lahat kayo ay papasa na. And for that, I will give the two of you an additional points in the recitation and an exemption for tomorrow's exam."


Ikinatuwa naman iyon ng dalawa.


"And to Ms. Sakura, Mr. Takayanagi and for the rest of the class, prepare for a long quiz tomorrow including everything we had discussed for today. I suggest you to read and research even more. Class dismissed!" Masayanl itong umalis sa kanilang room.



"Talaga ngang kahanga-hanga ang husay nilang dalawa! Isang linggo ko pa lang silang estudyante, pero pinabilib na nila ako nang husto!" sabi ni Mr. Takeda sa kaniyang isipan.



Samantala, ikinabahala naman ng ibang mga estudyante ang ibibigay na exam sa Arts bukas.



"Isasali ba ni sir lahat pati 'yong mga sinabi ni Fujiero at Sheichiro?" tanong ni Miya sa mga katabi.

"Aba s'yempre! Lahat ng mga 'yon!" sagot ni Kisuki.

"Mabuti na lang pala at nakunan ko sila ng magandang video kanina! Tiyak mag-te-trending na naman ito sa Aeoua pag in-upload ko!" sabat ni Harumi.

"Talaga? Papasa nga din sa'kin!" wika naman ni Megumi.



Si Sheichiro naman matapos magpasikat kanina ay gandang-ganda na ngayon ang mood.



Volume 1: Perfectly Entangled (Kanzen Ni Motsure): The Curse Of Katana Series  Where stories live. Discover now