11 | Week1: 1.4 Scuttlebutt

299 102 35
                                    

Makalipas ang halos limang oras ay tapos na rin ang klase sa Aeoua sa araw na ito. Bago umalis ang kanilang guro at iwan sila para sa 'o soji' ay inanunsyo muna nito na bukas ay hindi magkakaroon ng klase sa Aeoua High dahil magbibigay ng Pre-Test sa lahat na subjects at ganoon din sa lahat na section at year level sa buong Aeoua. Natuwa naman doon ang karamihan sa mga estudyante lalo na si Ashine dahil makakaligtas siya sa usapan nila ni Sheichiro bukas.


Matapos ang 'o soji' ay nagkataon namang nagkita-kita sina Mitsuzaki, Wakato, Miako at Zaimira sa hallway ng 3rd floor. Napangiti agad si Zaimira nang makita si Wakato. Bagamat ilang minuto o segundo niya lang masilayan ang cute na mukha nito ay araw-araw niya naman itong nakita ngayong linggo. Nang Lunes ay noong mahulog ito sa banyo ng training house. Martes ay sinadya niya namang abangan si Wakato sa Principal's Office at kahapon lang ay napakinggan niya pa ang usapan nito at ni Mitsuzaki na sasali si Wakato sa Karate Club dahil sa isang babae.


Subalit sa hapong ito ay tila magbabago ang ihip ng hangin kay Zaimira.


"Pauwi na ba kayo ngayon, Miako?" Tanong ni Mitsuzaki.

"Ah, oo. Pero kung gusto mo, dumaan muna tayong apat sa coffee shop sa labas. Nagugutom na din kasi ako eh!" Sagot naman nito sa boyfriend.


Napangiti naman agad si Zaimira nang maisip na parang double date ang eksena. Si Mitsuzaki at Miako at silang dalawa naman ni Wakato.


"Sige ba." Masiglang pagpayag ni Mitsuzaki.

"Ay! Naku! Siguro kayong tatlo na lang. May dadaanan pa kasi ako ngayon eh." Pagpapalusot ni Wakato para makaiwas kay Zaimira.

"Kailan ka pa naman nagkaro'n ng lakad na hindi ko nalalaman?" Pangbubuking ni Mitsuzaki sa kaibigan na ikinapula naman nito ng mukha. Parang kagaya rin ng dati niyang reaksyon kay Zaimira matapos siya nitong halikan.


"Basta kailangan ko ng umalis. Naghihintay na siya sa'kin eh. Sige, magkita na lang tayo bukas, Mitsuzaki." Sagot niya sa kaibigan at hindi man lang makatingin nang diretso kay Zaimira saka kumaripas ng takbo.

"Hindi kaya... Meron siyang date ngayon??" Malungkot na tanong ni Zaimira sa isipan.

Si Miako naman ay natahimik lang sa pag-iwan sa kanila ni Wakato. Alam niya kasi ang iniisip ngayon ni Zaimira.


"Pasensya ka na nga pala sa kaibigan ko Zaimira. Gano'n talaga 'yon 'pag tinotopak." Dispensa ni Mitsuzaki.

"Ah, okay lang." Tanging nasagot niya at pilit pinanumbalik ang ngiti.


Tahimik na lang si Zaimira habang pababa sila ng buiding at patuloy ang pagkekwentuhan ng dalawa niyang kasama. Kung dati rati ay hindi siya nakakadama ng pagkaasiwa o inggit sa lovelife ng best friend niya ay iba na ang sitwasyon ngayon. Tila ba nagseselos siya na gusto niya ring maranasan kung paano mahalin ng lalaking gusto niya at magkaroon ng lovelife. Ngayon lang din kasi siya nagkagusto sa isang lalaki subalit sa unang pagkakataon na ito ay tila masasaktan lang siya.


"Siguro hindi ako ang babaeng gusto niya. Pangalawang beses niya na akong iniiwasan. Una, sa principal's office. Tapos ngayon ito naman." At malalim pa siyang napaisip. "Teka, kahapon sinabi niya kay Mitsuzaki na sasali siya sa Karate Club dahil sa isang babae! Hindi naman kaya ang babaeng 'yon ay isang miyembro na ng Karate Club? Pero sino?! Sino kaya ang nagugustuhan niya?!"


Sa puntong iyon ay nakadama si Zaimira ng insecurities sa sarili niya. Napaisip siya kung sino nga kaya ang babaeng nagugustuhan ni Wakato na higit pa sa kanya at ano nga bang katangian meron ito na wala sya. Hanggang sa ngayon ay wala pa ring kaalam-alam si Zaimira na ang kapatid niya mismong si Yawne ang babaeng nagugustuhan ng lalaking crush niya.


Volume 1: Perfectly Entangled (Kanzen Ni Motsure): The Curse Of Katana Series  Where stories live. Discover now