6 | Week 1: 1.2 Karate Club Admission

660 137 236
                                    

Dedicated kay YoonYounYun

Kinabukasan (MARTES) ay kinakatok ni Yawne ang pinto sa kuwarto ni Zaimira pero walang sumasagot kaya pumasok na lang siya doon pero hindi nya na naabutan pa ang kapatid sa sariling kwarto nito.


"Himala ata! Wala na dito si Zaimira! Pumasok na kaya siya sa paaralan? Dati rati nagpapagising pa 'yon pero ngayon, ano kayang nakain niya?" Tanong ni Yawne sa kanyang sarili.



Pagdating naman ni Zaimira sa Aeoua ay nakita niya agad si Miako na mas nauna pa sa kanya.


"Miako! Hintay!" Tawag ni Zaimira sa kaibigan at narinig naman siya nito agad kaya siya hinintay.

"Ba't napaaga ka 'ata ngayon?" Tanong ni Miako sa kanya.

"May inaabangan lang kasi ako. Ah, siya nga pala, kamusta 'yong kahapon? Nakita mo ba siya?"

"Hindi eh. Malas 'ata ako kahapon." ismayadong sagot ni Miako.

"Ako hindi. Kasi kahapon nakita ko na ang lalaking pakakasalan ko!!"



At buong tuwa niyang ikwenento sa matalik na kaibigan ang buong pangyayari kahapon. Nababakas naman ni Miako ang kagalakan sa mukha ni Zaimira.


Nang makapasok na ang lahat na mga estudyante sa kani-kanilang room ay nagsimula ng magturo ang mga guro. Swerte namang nagpaalam muna ang teacher nina Zaimira dahil sa isang emergency na kadahilanan. Kaya ng umalis ito ay agad niyaya ni Zaimira ang bestfriend niya na bumaba.


"Ano ba ang gagawin natin sa baba? Maaga pa naman para sa snack, hindi ba?" Tanong ni Miako sa kanya.

"Sa principal's office tayo pupunta." Sagot nito.

"Hmm.. Ano naman ang pakay mo ngayon sa principal?"

"Aabangan natin do'n yung crush ko! 'Yung kinwento ko sa'yo kanina lang."

"Ah, 'yung nakipag-away kahapon? Malamang ipapatawag nga sila ng principal ngayon!" Tanging nasagot sa kanya ni Miako.



At nginitian na lang ni Zaimira ang bestfriend niya. Pagdating nila sa baba ay nandoon na rin ang mga kaklase nilang sina Kasumi, Yauro at Nayouki na nauna pa pala sa kanilang mag-abang sa Principal's Office para makiusyoso at makita na rin sina Mitsuzaki at Wakato. Kung paanong nalaman ng mga ito ang gulo kahapon ay hindi rin nila alam pareho.


Samantala, hindi nga nagkamali si Zaimira sa kanyang akala. Sa loob ng Principal's Office ay ipinatawag na ang dalawang master ng Karate Club na sina Yawne at Fujiero. Hindi rin mawawala doon ang dalawang nagsimula ng gulo na sina Wakato at Mitsuzaki pati na rin ang kanilang mga nakaaway. Itinanong sa kanila kung paano nagsimula ang gulo at kung sino-sino ang may kasalanan. Napag-usapan din ang pagbayad sa mga nasira at kung ano ang kaparusahan sa kanila sa susunod na maulit pa ang insidente. Nagboluntaryo naman si Fujiero na siya na ang bahalang magpasemento sa bubong ng Training House at isasara muna iyon habang isinasaayos pa. Paglabas nila sa Principal's Office ay agad na nakita ni Wakato si Zaimira. Ganoon din si Miako sa boyfriend niya.



"Mitsuzaki?!"Takang tanong ni Miako sa kanyang boyfriend. "Hindi mo man lang sinabi sa'kin na kasali ka pala sa mga nakipag-away kahapon!" Pinagtaasan niya ito ng boses habang nakapamaywang at halata ni Mitsuzaki ang galit sa boses nito.

Volume 1: Perfectly Entangled (Kanzen Ni Motsure): The Curse Of Katana Series  حيث تعيش القصص. اكتشف الآن