Week 2: 2.4 Blocking Techniques

66 38 5
                                    

Beware! Lame ang Chap na ito. You can skip this if you want. Last 8 chapters before matapos ang Week 2 ay may masasaksihan kayong pagbabago. Next Chap will be posted later. Sensya na late updates, magulo ang buhay ni author ngayon. Haha!

•••

Kinalaunan, paglipas ng halos limang oras ay 5:15 PM na at oras na naman para sila ay magkita-kita sa Training House. Gayunpaman, nauna ng makarating doon ang mga trainee na ayaw mabigyan ng parusang 15 push ups sa bawat minutong male-late.

Pagsapit ng takdang oras ay tumayo si Yawne sa unahan at muling nagsalita sa mic.

"Magandang hapon sainyong lahat! Kagaya ng sinabi ko kagabi, ituturo ko sainyo ngayon ang mga basic karate kicks at ang iba’t ibang uri ng pag-block. Excited na ba kayong magsimula tayo?" Tanong niya sa lahat.

"Yes, master!" Naunang sigaw ni Wakato na sinabayan naman ng nakararami.

"Magaling! Eh sino-sino naman ang mga nanood ng video na nai-send ko sainyo kagabi?" Tanong ulit ni Yawne.

Nagsitaasan ng kamay ang halos lahat. Natuwa naman si Yawne sa positibong tugon ng mga trainee.

"Okay! Ngayon magsimula na kayong mag-meditate, warm up at mag-stretch." Wika niya habang nakangiti at sumunod naman ang mga trainee.

Matapos ang limang minutong inilaan para sa meditation, ay nag-umpisa ng magkwentuhan ang mga trainee habang nagwa-warm up.

"Nakakabagot naman! Lagi na lang bang si Master Azikawa ang magte-train sa ‘tin araw-araw?" Himaktol ni Kasumi, isa sa mga trainee, sa mga kaibigan.

"Oo nga! Gusto ko pa naman sanang makita din lagi si Grand Master!" Dagdag naman ni Yauro.

"Eh kasi naman lagi na lang siyang nando’n nagtuturo sa advanced training! Ang swerte tuloy lalo ng mga napunta do’n." Dagdag naman ni Kira.

"Kaya nga! Gwapo nayong nagtuturo sa kanila, tapos ang galing-galing pa!" Himaktol naman ni Nika.

"Kung bakit kasi nauso pa ang advanced training nayan at hindi tayo napunta do’n?! Dapat magpalit na lang sila ni Master ng tinuturuan." Sabi naman ni Kasumi.

Volume 1: Perfectly Entangled (Kanzen Ni Motsure): The Curse Of Katana Series  Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin