23 | Week 2: 2.2 Ueno High Gangsters

212 78 65
                                    

Katana Gang at multimedia.


Kinabukasan, araw ng MARTES, 11:35 AM ay magkasamang nanananghalian sa isang canteen ang magkaibigang Fujiero, Yunjiro at Yawne, habang sa 'di kalayuang mesa naman ay nandoon din sina Sheichiro, Wakato at Mistuzaki.



Wakato: Kamusta naman sa section nyo p're? Marami bang magagandang babae? (tanong niya kay Sheichiro habang pasulyap-sulyap ng tingin kay Yawne)

Mitsuzaki: Wooh! Ayaw pang diretsuhin! Eh isang babae lang naman do'n ang gusto niyang kamustahin. (Pang-aasar nito sa kaibigan)


At agad binatukan ni Wakato ang kaibigan.


Mitsuzaki: Aray! Ang sakit no'n! (protesta niya sa kaibigan)

Sheichiro: At sino namang babae 'yon? (tanong niya kay Wakato bago pa man ito makapagsalita ng kahit ano)

Wakato: Wala. Nagbibiro lang siya.

Mitsuzaki: Nagbibiro... (wika niya na tila pinapasubalian ang sinabi ng kaibigan)

Sheichiro: Bahala ka kung ayaw mong sabihin.



At ipinagpatuloy na lang ni Sheichiro ang pagkain ng kaisen hitsumabushi hanggang sa maiba niya ang usapan nila.


Sheichiro: Palagay ko, magiging masaya naman ako sa section namin. Isa pa, ginaganahan din ako ngayong may kaklase akong kagaya ni Fujiero.

Wakato: Si Fujiero? Bakit naman siya?! (laking pagtataka niya)

Sheichiro: Ang totoo nyan, naaalibadbaran ako sa tuwing nakikita kong pinagkakaguluhan at hinahangaan siya ng maraming babae nang dahil lang sa mababaw na mga dahilan. Naiinis ako kung panong magkandarapa sa kanya ang lahat kahit sa mga simpleng bagay na ginagawa niya. Kaya isang beses, nasabi ko no'n sa kanya na tatalunin ko siya sa lahat ng bagay at nakahanda akong patunayan 'yon! (seryoso niyang sabi)

Mitsuzaki: Naku 'tol! Mukhang malaki-laking pader ang binabalak mong banggain ha? Pinag-isipan mo ba talaga 'yan?

Wakato: Oo nga! Baka masyado ka lang nagpapadala ngayon sa emosyon mo? Baka kasi naiinggit ka lang sa kung ano ang meron sa kanya?



Bahagyang napatawa si Sheichiro sa kanyang narinig mula sa dalawa. At napatingin na lang si Mitsuzaki at Wakato sa isa't isa na parehong nawiwindang sa binabalak ni Sheichiro.



Sheichiro: Bakit naman ako maiinggit sa kanya? Kung ano ang kaya niyang gawin, magagawa ko rin 'yon. Kung ano ang meron siya, kaya ko ring magkaroon ng gano'n. (buong kompyansa niyang sabi)

Volume 1: Perfectly Entangled (Kanzen Ni Motsure): The Curse Of Katana Series  Where stories live. Discover now