Week 2: 2.5 Trust and Friendship

57 34 0
                                    

Malapit na ng training 1. Haha Excited si author doon eh kasi bibida 'yong paborito niyang characters doon sa chap na 'yon. Btw, thank you sa mga nagbabasa pa hanggang dito. You may think this book is boring kasi wala pa 'yong mga intense part. Sorry ah, kailangan po talaga kasi.. Bear with me please! 


Wakato Nagi at multimedia.

•••



KINABUKASAN, ARAW NG BIYERNES, 9:30 AM, recess time sa Aeoua High ay nagkita-kita ang magkaibigang Ashine, Miako at Zaimira sa canteen ng mga 2nd yr.





"Mabuti at sinabayan nyo ako ngayon mag-snack." Wika ni Ashine habang kumakain ng naporitan spaghetti kasama ang dalawa.



Kanina kasi ay niyaya sila ni Ashine sa isang text message.




"Ano ka ba? Wala 'yon. Bakit nga pala mag-isa ka ngayon?" Tanong ni Miako sa kanya.

"Nagsasawa na kasi akong sumabay kumain kina Maya at Aya. Lagi na lang kasing ang henyong si Sheichiro ang pinag-uusapan nila, pati ang mga viral video nito sa internet." Inis na sagot ni Ashine.

"Naku! Marami talagang babaeng ganyan. Isali mo na rin siguro 'yong kaklase namin na si Kasumi at ang mga kaibigan niya." Wika naman ni Zaimira.

"Tama!" Segunda ni Miako sa kaibigan.

Sa gitna ng kanilang usapan ay naalala ni Ashine ang tungkol sa waiver ng Karate Club.

"Nga pala, 'yong waiver nyo ba napapirmahan nyo na?" 

"Ako oo! Napapirmahan ko na kagabi kay papa." Sagot ni Miako sa kanya.

"Iyong akin naman, si ate na mismo ang pumirma! Pareho kasing nasa Germany ang mga magulang namin. Si mommy flight attendant. Si dad naman piloto." Sagot naman ni Zaimira.

Volume 1: Perfectly Entangled (Kanzen Ni Motsure): The Curse Of Katana Series  Where stories live. Discover now