Week 2: 2.4 Hopeless

136 49 19
                                    

***

Kinabukasan, araw ng Huwebes, 11:40 ng tanghali ay sabay na nanananghalian ang magnobyong si Mitsuzaki at Miako sa canteen ng mga 1st yr., habang si Wakato naman ay sumama kay Sheichiro na kumain sa canteen ng mga 3rd yr. sa pagbabakasaling makasabay niya rin doon si Yawne.


"Nakwento pala sa'kin ni Mitsuzaki na bibili ka raw ngayon ng motor." Wika ni Wakato habang kumakain ng tempura at red sekihan rice.

"Oo. Mamayang gabi pagkatapos nating magtraining. Temporary lang naman habang hindi pa ako nagkakaroon ng kotse." Sagot ni Sheichiro sa kanya.

"Naks! Bakit? Anong kotse ba sana ang plano mong bilhin?"

"Isang Zonda Pagani Roadster!" Walang pakundangan niyang sagot.

"Ano!? 'Yong kagaya ng kay Fujiero?!" Tanong ulit ni Wakato na hindi halos makapaniwala.

"Oo! At bakit naman hindi?"

"Pero hindi ba, daan-daang milyon ang halaga ng gano'n?! Isa pa, ang alam ko, kaya lang daw napapayag 'yong Hong Kong dealer dahil sa hiling ng mga Ichikawa at matapos ang limang Pagani Roadster na nagawa nila, sinabi nila na hindi na ulit sila gagawa!" Paliwanag niya naman.

"Tingnan lang natin kung ganyan din ang sabihin nila kung si Diana Adams na ang kanilang kaharap!" Wika niya na ang tinutukoy ay kakausapin ng kanyang ina sa skype ang Hong Kong dealer.




Agad namang nawala ang mga agam-agam ni Wakato sa kanyang isipan at naisip niyang may posibilidad ngang mapapayag ni Diana Adams ang Hong Kong dealer lalo pa't may kakayahan din siyang makabayad ng gano'n kalaking halaga.


"Astig ka talaga p're!! Kaya ako napapabilib sa'yo eh!" Wika ni Wakato at kaagad silang napa-apir na magkaibigan.

"Syempre ako pa! Walang Makihara na magpapatalo na lang basta-basta sa Ichikawa!" Mayabang na sambit niya pa.

"Pero... hanggang saan ka naman kaya tatangayin ng prinsipyo mong 'yan?" Tanong ulit ni Wakato.

"Tingnan na lang natin!" Nakangisi niyang sagot.




Samantala, sa malaking canteen naman ng Aeoua High ay mag-isang nanananghalian si Zaimira sa isang table. Kasama kasi ngayon ni Miako si Mitsuzaki kaya tuloy wala siyang kasabay ngayon. Ngunit, sa kanyang pag-iisa ay kaagad niyang naagaw ang pansin ng papasok pa lang na si Fujiero kasama sina Yunjiro at Yawne.


"Doon na lang tayo banda!" Yaya ni Fujiero sa dalawang kasama at itinuro ang mesa kung saan naroon si Zaimira.

"Kasama si Zaimira?" Tanong ni Yunjiro.

"Bakit hindi? Total pangit naman tingnan kung magkakasama tayong kumain habang siya nag-iisa." Sagot niya at naunang naglakad papunta doon.

"Okay. Ano bang gusto nyong kainin ngayon?" Tanong naman ni Yawne habang nakasunod kay Fujiero sa paglalakad.

"Naku! Ako na lang siguro'ng kukuha." Pagbubulontaryo ni Yunjiro sa dalawang master. "Okay na ba sainyo ang saikyo miso, oden at gyoza?" Tanong niya pa sa dalawa.

"Sige." Sagot ni Fujiero sa kanya at dumiretso na si Yunjiro para mag-order ng kakainin nilang tatlo habang sina Fujiero at Yawne ay papalapit kay Zaimira.




Volume 1: Perfectly Entangled (Kanzen Ni Motsure): The Curse Of Katana Series  حيث تعيش القصص. اكتشف الآن