1 | THE FIRST ENCOUNTER

1.1K 148 330
                                    

1st Day of April, 2016

Tokyo City, Japan

Magdadalawang taon ng magkarelasyon sina Mitsuzaki at Miako. 16 years old si Mitsuzaki at 15 years old naman ang girlfriend niya. Pareho na silang naka-graduate sa Junior High. Anim na taon kasi ang High School sa Japan. Pagkatapos ng Grade 6 ay tatlong taon sa Junior High at tatlong taon din sa Senior High. Bagama't istrikto rin ang karamihan sa mga magulang na Hapon, ay natural na sa Japan ang pakikipagrelasyon sa ganitong edad. Katunayan, kumpara sa ibang bansa ay mas marami pa nga sa kanila ang bilang ng teenager na ikinakasal, dahil sinumang 16-18 years old na babae ay p'wede ng ikasal sa 18 years old pataas na lalaki, basta't may parental consent.

Close friend ni Mitzusaki si Wakato at kaibigan naman ni Miako si Zaimira. Parehong nag-aral sa Shoin Junior and Senior High School sa Tokyo City sina Wakato at Mitsuzaki. Samantalang sa Neyagawa City naman nag-junior high sina Miako at Zaimira-sa Doshisha Kori Junior and Senior High School. Parehong private school ang dalawang ito sa Japan. Silang apat ay magtutungtong na ngayong taon sa pagiging freshmen, at sa pagkakataong ito ay iisang paaralan na ang kanilang papasukan-ang AEOUA SENIOR HIGH SCHOOL.

Ang Aeoua High (simply pronounced as eyowa) ay isang Prefectural School sa Tokyo City. Madalas, nahahati kasi sa tatlo ang uri ng High School sa mga siyudad ng Japan. Ito ay ang national, prefectural at private school. Napakakunti lang ng bilang ng mga national school sa isang siyudad at madalas, bilang lang sa kamay ang dami nito. Ito kasi ang mga high school na naka-attached sa mga university. Samantala, ang mga prefectural school naman ay naglipana na dahil nakabase ang mga ito sa lugar, prefecture o rehiyon. Ang private school naman ay katamtaman lang ang bilang. Dekalibreng edukasyon ang binibigay nito sa mga estudyante na talaga namang kahanga-hanga at masasabi mong globally competitive. Ang iba sa mga ito ay International School at may exchange students o study abroad program pa tuwing bakasyon.


Samantala, matapos mai-release ang resulta sa pahirapang entrance exam sa Aeoua High ay masayang dumiretso ang magkaibigang Mitsuzaki at Wakato sa isang restraurant ng 5:30 ng hapon.

"Ang malas ko pala ngayon!" inis na sabi ni Wakato matapos makatanggap ng tawag.

Hinigpitan nito ang pagkakahawak sa canned soda na knaiyang in-order kanina kaya natapon ang laman niyon.


"Ano bang ikinaiinit ng ulo mo? Kanina lang tuwang-tuwa ka nang tawagan mo ako at sabihin mong pareho tayong nakapasa," tanong ni Mitsuzaki.

"Dito na raw kasi mag-aaral sa Tokyo si Ashine! At ang masaklap pa, sa Aeoua rin siya magse-second year!"

"Di ba nakatatanda mong kapatid si Ashine?"

"Oo. Yung kapatid kong sobrang taray at palaging paborito nina Mommy at Daddy. Kung mas matanda lang ako do'n, baka siya ang kinawawa ko!" galit niyang sagot sa kaibigan pero pinagtawanan lang siya nito.

"Natatakot na ngayon ang isang astiging lalaking walang sinasanto pagdating sa pakikipag-away! At ang masaklap pa, sa isang babae lang!" pang-iinsulto nito kay Wakato at muli niyang pinagtawanan ang kaibigan.

Tinignan naman siya ng masama ni Wakato at mamayamaya pa ay nakatanggap rin si Mitsuzaki ng tawag, kaya napatigil siya sa katatawa. Kinuha niya ang cp niya at sinagot ito.

"Hello! Ba't napatawag ka?" walang emosyon niyang tanong sa tumawag.

"Umuwi kana dito dahil may darating na bisita. Kailangan mo akong tulungan sa pagluluto," wika ng kaniyang ama sa kabilang linya.

Volume 1: Perfectly Entangled (Kanzen Ni Motsure): The Curse Of Katana Series  Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon