CHAPTER FOURTEEN

Magsimula sa umpisa
                                    

Pasimple siyang tumikhim. "Maaga kasi kaming natapos." Aniya.

Napatango ako. "Ganon ba? Sino palang kausap mo?"  Tanong ko.

"Ang lolo mo?" Nagtatanong niyang sabi na para bang kahit sa sarili niya ay hindi niya alam kung tama ba ang sinagot niya.

Tumahimik nalang ako at hindi na muling nagtanong pa. Ano pa bang tatanungin ko na sigurado akong katotohanan ang isasagot niya?

Nang dumating si jake ay iniwan ko muna silang dalawa atsaka ako pumasok sa kwarto ko. Inabot ko ang cellphone ko sa center table atsaka di-nial ang numero ni lolo. Kumunot ang noo ko nang hindi ko pa rin siya ma-contact. Mula nang umalis siya ay hindi niya pa ako tinatawagan o binibigyan nang mensahe. Samantalang si Adrian ay nagawa niyang tawagan. 

I tried to call daddy pero nakapatay ang phone niya kaya si mommy nalang ang tinawagan ko, luckily hindi patay ang phone nito at ilang ring lang ay sinagot na niya agad.

"Yes baby?" Bungad niya sa 'kin.

"Hi mom," Tumingin ako sa labas ng bintana. "How are you and dad? I miss you both." Malumanay kong sabi. It's true, i really miss them. Hindi naman kasi araw araw ay nakakausap ko sila, siguro mga once a week lang.

"We're find baby. We miss you too." Malambing na sabi ni mommy. "Kamusta naman kayo diyan ni sandy?" Tanong niya pa.

Napangiti ako. "Okay lang kami dito mom." Napabuntong hininga ako. "And mom?"

"Hmm?"

"Can i ask something?" Tanong ko.

"Sure. What is it baby?" aniya.

"May alam po ba kayo sa relasyon ni lolo at Architect Adrian cordejo?" Seryoso kong tanong.

"Adrian Cordejo? Diba ito 'yong naging kasintahan mo dati?" Sumeryoso na rin ang boses niya. "Nagkikita ba sila nang lolo mo?" Hindi rin alam ni mommy.

"Siya ang nagdisenyo nang bagong mansiyon ni lolo." Wala sa sariling sabi ko.

"Hindi nabanggit ni daddy ito sa 'kin baby." Sabi niya sa mababaw na boses.

"Ah baka nakalimutan lang ni lolo na sabihin po sa inyo." Sabi ko nalang.

"Baka nga," Narinig ko ang pagbuntong hininga niya bago muling nagsalita. "Anyway, call your kuya also. Nagtatampo na 'yon sa 'yo, mukhang nakalimutan mo na daw siya." Sabi pa ni mommy.

Napailing ako. "Si kuya talaga nag-drama na naman." Humiga na muna ako sa kama at pumikit.

"Oo nga eh." Natawa si mommy. "By the way, i need to hang up na baby. May mga gagawin pa kasi ako, i'll just call you back when im free."

"Okay, mom. Take care and I love you." Sabi ko.

A"I love you too baby." Sabi niya bago pinutol ang linyang naka-konekta sa aming dalawa.

Napabuntong hininga nalang ako. Tinitigan ko na lamang ang dingding ng kwarto ko na para bang dito ako makakakuha nang sagot.

"IWANAN MO na 'yan kela manang, magpahinga ka na muna." Sabi ko kay sandy nang sundan ko ito sa kusina.

"Tss, nagpa-practice na nga ako diba?" Irap niya.

"Practice ka nang practice wala ka namang natututunan." Sabi ko atsaka tamad na umupo sa isang stool. "Penge pong ice cream manang." Nakangiting baling ko saglit kay manang.

"Anong walang natututunan? Nakakapagluto na kaya ako! Diba nga ako 'yong nagluto nang dinner ngayon?!" Medyo inis niyang sabi habang nakatalikod sa 'kin. Naghuhugas kasi siya nang mga pinagkainan namin.

Nagpigil ako nang tawa. Pikon eh. "Pinagmamalaki mo iyong niluto mong hindi rin naman nakain? Mabuti nalang nagluto rin si manang kundi pare-pareho tayong tumitirik na ang mga mata sa gutom." Sabi ko. "Thanks manang!" Masiglang sabi ko nang ibigay na niya sa 'kin ang ice cream ko. Tumango lang si manang at naiiling na bumalik sa ginagawa kanina.

"Buset ka." Mahinang sabi ni sandy na narinig ko naman.

Natawa nalang ako at hinayaan siyang magdabog at ibuntong lahat nang inis niya sa mga plato.

Napatingin ako sa tablet niya nang umilaw ang screen nito. Malapit lang sa pwesto ko kaya ako na ang sumagot sa tawag nang magaling niyang fiance.

"Oh bakit? Busy siya sa ibang lalaki, mamaya ka nalang tumawag." Bungad ko sa kaniya nang i-accept niya ang request kong video call, sa messenger kasi siya tumawag.

"Kaya pala pangit ang nakikita ko, ikaw pala ang sumagot." Nakasimangot niyang aniya.

Sinamaan ko siya nang tingin. Ako pangit? Utot niya. "Patty, wag mo nga akong siraan." Nakabusangot na sabi ni sandy. Napairap nalang ako.

Lumapit siya sa tabi ko atsaka ngumiti sa harap nang screen. "Hi love! Kumain kana?" Malambing niyang tanong kay ark.

Napangiwi nalang ako at bahagyang lumayo sa kanila nang magsimula na silang mag-usap. Nakakaumay eh.

"I miss you too." Rinig kong sabi ni sandy.

Napailing nalang ako. "Alis muna ako. Ang sakit niyo sa mata, eh." Sabi ko.

Tinawanan lang nila ako. Napairap nalang ako sa hangin at lumabas nang kusina. Ang dalawang iyon parang hindi pa ikakasal next month. Masyadong sweet. Ang sakit nila sa mata at tenga.

"Gusto ko na pong sabihin kay patricia ang totoo, señior."

****

Hi guys! Pasensiya na ngayon lang ako nakapag-update. Super dami kasing ginagawa ngayon sa school. Tambak na tambak ako sa work. Thanks sa pagbabasa nang storya ni patty at adrian. Sana subaybayan niyo ito hanggang sa huli. Mahal ko kayong lahat guys!

Please vote and comment to my story para ganahan akong isingit itong pagsusulat ko sa dami nang ginagawa ko.

Salamat po ulit!

Patricia Laxamana 💯Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon